Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Live staging ng It’s Showtime, suspended
Live staging ng It’s Showtime, suspended

Live staging ng It’s Showtime, suspended

DAHIL sa pagtaas ng bilang ng mga nagpo-positibo sa Covid-19, kinansela muna ng ABS-CBN ang live staging ng kanilang noontime show na It’s Showtime.

SA isang statement na ini-release nila noong Linggo, iginiit ng network na para matiyak ang kaligtasan ng kanilang mga host at production team kasunod ang pagtaas ng bilang ng mga apektado ng COVID-19 cases sa bansa, wala munag live stating ang It’s Showtime.

Humihingi ng pang-unawa ang pamunuan ng ABS-CBN sa desisyon nilang ito.

Noong Sabado, umabot sa  7,999 ang kaso ng COVID-19, mas mataas noong Biyernes na nakapagtala naman ng 7,103. Ito ang sinasabing pinakamataas na naitalang naapektuhan ng Covid simula nang magkaroon ng pandemya.

At noong Linggo, mayroong 7,757 ang bilang ng mga nagpositibo, ito ang sinasabing 2nd highest daily tally.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top