Thursday , May 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres napulaan ang hitsura: mukhang nagtitinda ng tahong at tokwa
Aktres napulaan ang hitsura: mukhang nagtitinda ng tahong at tokwa

Aktres napulaan ang hitsura: mukhang nagtitinda ng tahong at tokwa

“BAKIT ang pangit na niya ngayon? Mukha siyang iyong nagtitinda ng tahong at tokwa sa palengke,” ang tanong sa amin ni Manang na caretaker ng apartment building na aming tinitirahan.

Nakita lang naman niya ang female personality sa Facebook. Hindi naming nakikita iyon eh kasi hindi kami interested unless big star talaga, or at least may nakikita kaming potential para maging big star, kung hindi huwag na lang.

Pero hinanap nga namin ang picture ng sinabi niyang mukhang suki niyang nagtitinda ng tahong at tokwa sa palengke. Hindi naman sa pamimintas pero totoo. Akala mo iyong naglalako ng lumpiang toge na pinirito kung hapon. Bakit ganoon?

Iyang mga artista kasi, dapat lagi silang nakaayos kung lumalabas sila sa publiko, hindi iyong ganong para ngang nabinat na sa Covid, tapos basta lalabas ng ganoon lang, pagpipistahan nga sila ng bashers. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top