Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ina Raymundo mapili sa role: I have to consider my kids
Ina Raymundo mapili sa role: I have to consider my kids

Ina Raymundo mapili sa role: I have to consider my kids

MAY-December affair ang tema ng bagong iWant TFC Original Antholoy series na #AmpalayaChroniclesPresents Me and Mrs. Cruz na mapapanood na sa Marso 26 na pagbibidahan nina Ina RaymundoJM Mendoza, Kristof Garcia, Nicki Morena, at Paulo Angeles na idinirehe ni Real Florido.

Sa virtual mediacon noong Miyerkoles ng hapon, natanong ang 45 -year-old actress kung paano siya napa-oo sa project na May-December affair. Pero base sa trailer, hindi halatang 22 years ang tanda ng aktres sa aktor at may chemistry sila, huh!

Nakangiti naman si Ina habang pinanonood ang trailer ng Me and Mrs. Cruz.

“Tuwing napapanood ko talaga sarili ko nagki-cringe ako, I don’t know why. Since Paulo is almost half my age, I’m always worried na baka mas magmukha akong nanay niya kaysa love interest. So that’s also a concern for me. But when I saw it naman, okay naman. But siyempre since I didn’t act for so long, one year, medyo nahihiya ako. But it’s a good story. I’m just being hard on myself. Pero maganda ‘yung story and magaling si Paulo rito,” pahayag ng aktres.

Noong first quarter ng 2020 pa ito inalok kay Ina pero tinanggihan niya  dahil sa lock-in tapings na aabutin ng dalawang linggo na hindi niya kaya dahil ayaw niyang mawalay ng matagal sa pamilya niya.

“Noong nalaman ko na three days ‘yung lock-in. Kasi hindi ko kaya ‘yung longer pa. Mahirap for me. Last year pa ito in-offer sa akin bago pa magka-pandemic and umoo na ako noong time na ‘yun.

“Hanggang sa nagkaroon na ng pandemic, nag-lockdown na, tapos dapat tuloy na noong November pero hindi pa ako ready kasi magpa-Pasko na noon eh. Mahirap mawala. So, noong ibinigay nila ‘yung dates na February sabi ko let’s do it, I want to do it.

“I’m very thankful na naghintay sila sa akin. Lagi kong sinasabi sa Firestarters (Productions) na ‘maraming salamat hinintay niyo ako’ kasi medyo naghintay sila talaga. I’m so sorry. Dumating sila sa point na naghanap na sila ng ibang Mrs. Cruz. Pero ‘pag talagang ukol bubukol eh, so natuloy din at masayang masaya kami na natuloy,” masayang kuwento ni Ina.

Gagampanan ng aktres ang karakter na Mrs. Eve Cruz, sexy at broken hearted at nabighani sa kanya si Paulo na delivery boy at singer din by chance.

“My character she’s having a tough time moving on and ‘yung best friend niya is trying to set her up with someone else because that’s the best way to cure a broken heart is to meet someone else. Sa set, masayang-masaya kami sa taping. Para lang kaming naglalaro. Kahit na sa look test pa lang at photo shoot naman hay naku ang sarap makasama ang Firestarters. Very hip sila.”

Nabanggit din ng ibang kasama ni Ina sa set na sobrang bilib sila dahil napaka-down to earth at nakikipagkuwentuhan talaga sa kanila kahit tapos na ang eksena niya.

Katwiran naman ng aktres, ”ang sarap kasi makipagkuwentuhan kasi noong lockdown nasa house lang ako. Eh siyempre mga kausap ko mga anak ko, mga bata ‘di ba? So, na-miss ko makipagkuwentuhan sa mga showbiz people, sa mga co-actor ko. Ang sarap. Kaya ‘yun ang na-miss ko, ‘yung mga ganoon na behind the scenes.”

Samantala, inamin din ng aktres na bago siya tumanggap ng proyekto ay kino-consider niya ang mararamdaman ng mga anak dahil baka para sa kanila ay hindi okay ang karakter na gagampanan niya.

“Siyempre I have to consider it kung ano ang mapi-feel nila, magiging proud ba sila, hindi ba sila maki-cringe sa akin o baka ikahiya nila ako, mga ganoon. But my kids are so open minded. They are very,very Canadian I guess. Hindi sila narrow minded.

Minsan nga ‘yung daughter ko mas ano pa siya mature, very liberated and educated kasi minsan ako pa nga ‘yung may mali minsan. May mga statement ako na iko-correct niya, she’s very supportive and I think proud naman sila sa mga ginagawa ko,” paliwanag ni Sabado Nights Girl.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top