Friday , September 19 2025

Grade 1 students, mga guro tinutulungan ng Globe sa distance learning

MAHIGIT 100 mag-aaral na Grade 1, mga magulang, at mga guro ang tinutulungan ng Globe na magkaroon ng internet connection para makasabay sa bagong pamamaraan ng pagtuturo na ipinapatupad ngayon sa lahat ng paaralan sa bansa.

Nakikipagtulungan ang Globe sa Knowledge Channel Foundation Inc. (KCFI), ABS-CBN, at Mary’s Way Foundation sa pamamagitan ng Big Blue Hearts Campaign para mabigyan ng libreng internet access ang mga mag-aaral.

Sa ilalim ng proyekto, nakalikom ng sapat na halaga ang KCFI, ABS-CBN, at Mary’s Way Foundation para mabigyan ang 102 mga mag-aaral at guro ng Balibago Elementary School at Sta. Rosa Elementary School 1 at 3 ng Globe At Home Prepaid WiFi (HPW) modems.

Sa kabilang banda, sinagot naman ng Globe ang libreng data load ng HPW sa loob ng anim na buwan. Sa tulong nito, maipagpapatuloy ng mga estudyante sa Grade 1 ang kanilang mga klase at ma-aaccess pa nila ang mga video ng Knowledge Channel at Basa Bilang habang nasa kanilang mga tahanan.

“Sa panahon ngayon, kinakailangang online ang mga estudyante para tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Nais lamang ng Globe, bilang isang technology company, na gawin ang bahagi nito para mabigyan ang mga bata ng access sa mga learning resources,” ani Yoly Crisanto, Globe Chief Sustainability Officer at SVP for Corporate Communications.

Mayroon ding sariling pagsisikap ang Globe na matulungan ang mga guro sa pagtuturo ng Early Language Literacy sa mga bata sa pamamagitan ng mga webinar ng Global Filipino Teachers.

Ayon kay KCFI President at Executive Director Rina Lopez-Bautista”Marami sa mga bata ang nahihirapan maka-adapt sa remote learning. Isa ito sa mga rason kung bakit binuo namin ang Big Blue Heart Campaign kasama ang Globe Telecom, Mary’s Way Foundation, at ABS-CBN. Nais naming matulungan sila na mapaunlad pa ang kanilang kakayahan sa pagbasa. Nais din ng KCFI na maipagpatuloy pa ang programa sa mas mahabang panahon. Kaya lamang, dahil sa pandemya, hindi namin agad-agad magawa ang programa dahil sa kakulangan ng connectivity.”

Inilunsad ng KCFI ang Basa Bilang project noong 2018 para mapaunlad pa ang kakayahan sa pagbasa at aritmetik ng mga mag-aaral sa mababang baitang sa pamamagitan ng panonood ng mga animated at live action videos na nakabatay sa curriculum ng Department of Education (DepEd). Tinutulungan ng KCFI na mabuo ang pundasyon ng mga mag-aaral sa pagbabasa, mathematics, at pagsasalita — mga pangunahing aspeto para mahasa ang educational development ng bata.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robb Guinto homemade Hamonado Bologna Sweet Garlic Longganisa

Robb Guinto business minded talaga, Robb’s Homemade Products available na

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG sexy actress na si Robb Guinto ay may maipagmamalaking ipatikim sa …

Will Ashley Alden Richards

Will pumasok ng showbiz dahil kay Alden

MATABILni John Fontanilla NAGPAKATOTOO si Will Ashley sa pagsasabing pinasok niya ang showbiz dahil kay Alden Richards. Bata …

Claudine Barretto Rico Yan

Claudine ipinagmalaki ‘inari’ nang anak ng ina ng yumaong si Rico Yan

I-FLEXni Jun Nardo HUWAG nang basagin ang trip ni Claudine Barretto. Ipinagmalaki kasi niyang kabilang na …

Julia Barretto

Julia Barretto inili-link sa isang negosyante

TIKOM ang bibig kapwa nina Julia Barretto at Gerald Anderson sa ilang buwan na ring usap-usapan na break na …

Ralph Dela Paz

Ralph Dela Paz lucky year ang 2025 

MATABILni John Fontanilla MUKHANG lucky year para kay Ralph Dela Paz ang 2025 sa dami ng proyektong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *