Sunday , May 9 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maja naglinaw ‘di nanghihikayat lumipat sa TV5
Maja naglinaw ‘di nanghihikayat lumipat sa TV5

Maja naglinaw ‘di nanghihikayat lumipat sa TV5

MAY lumabas na blind item na hindi na tatanggapin ng ABS-CBN ang dalawang artistang umalis sa kanila, na ang pangalan ay nagsisimula sa initial na B at M. Bukod sa umalis na kasi ang dalawa sa Kapamilya Network, hinihikayat pa umano ng mga ito ang ilan sa mga dating kasamahan sa Star Magic na lumipat na rin sa TV5.

Marami ang nagsasabi na ang tinutukoy sa blind item na B ay si Billy Crawford at ang M naman ay si Maja Salvador. Sila kasing dalawa ang lumipat sa Kapatid Network.

Nakarating iyon kay Maja. Aniya, tinatawanan niya lang ang isyung ito  dahil wala iyong katotohanan.

“Tinawanan ko na nga lang iyon, eh. Sabi ko, ‘May bago na naman sila,’” pagtukoy ni Maja sa kanyang mga detractor. ”Nakakatawa lang. So, ang sagot ko, no; Hindi po! Hindi talaga,” nangingiting sabi pa niya.

So, kung hindi si Maja ang tinutukoy sa blind item, sino ‘yung M na ‘yun?

Si Maja lang naman kasi ang M na nag-ober da bakod sa Kapatid Network, ‘di ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top