Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Insomnia ini-relax ng Krystall Herbal Oil at Nature Herbs
Insomnia ini-relax ng Krystall Herbal Oil at Nature Herbs

Insomnia ini-relax ng Krystall Herbal Oil at Nature Herbs

Dear Sis Fely Guy Ong,

Tawagin n’yo na lang po akong Romeo, 46 years old, dating overseas Filipino worker (OFW) sa Qatar.

Sa kasalukuyan, nandito po ako sa amin sa Pangasinan. Una po dahil biktima ako ng investment scam, at ikalawa dahil po sa pandemya.

Matinding depresyon po ang dinanas ko dahil lahat po ng ipon ko kasama ang pampaaral ng tatlong anak ko ay naibigay ko lahat sa demonyong promotor ng investment scam.

Sa kasalukuyan po ay unti-unti na akong nakamo-move-on sa tulong na rin ng mga kapwa ko biktima. Naghain na po kami ng reklamo sa isang law enforcement agency laban sa manggagantso.

Pero ang gusto ko pong i-share ay ‘yung nakatulong para maging maayos ang aking pag-iisip at kalusugan.

Una pong naging epekto sa akin ay ‘yung hindi ako makatulog sa gabi hanggang madaling araw gising pa rin kaya araw-araw ay feeling groggy ako.

At dahil groggy, wala akong ginawa maghapon kundi matulog kaya hindi na ako nakagagawa ng  mga gawain sa bahay at kahit ang maliit na negosyong sinimulan ko ay napabayaan ko rin.

Hanggang iwanan po ako ng mag-iina ko. Bibigyan daw muna nila ako ng space at hahayaang makapag-isip-isip.

Lalo po yatang nagkaletse-letse ang buhay ko. Hanggang bigla ko pong maalala ang baon kung Krystall Herbal Oil at Krystall Nature Herbs na bigay sa akin ng ate ko.

Naalala ko, magandang pang-relax ang Krystall Herbal Oil para makatulog ako. At ‘yun po ang ginawa ko. Matapos kong maligo sa gabi ay uminom ako ng Krystall Nature Herbs at hinilot-hilot ko ang sentido.

Ay nagulat ako dahil for the first time nakaramdam ako ng antok. Hindi ko po sinayang, itinulog ko agad. Mahimbing po ang tulog ko kasi halos 7:00 am na po ako nagising.

Tuwang-tuwa po ako kasi naging regular na ang tulog ko. Nang umayos na po ang aking pagtulog at nakapag-iisip na nang maayos,  inisip ko pong magluto at magtinda-tinda ng almusal at meryenda.

‘Yan po ang ikinabubuhay ko ngayon. Nag-iipon na rin po ako ng pandagdag puhunan dahil iniisip kong magtayo ng matatag na negosyo para hindi na ako bumalik sa ibang bansa at para muli ko nang mabuo ang aking pamilya.

Maraming-maraming salamat po sa inyo Sis Fely. Dahil sa imbensiyon ninyong napakahusay, nabuhayan ng pag-asa ang isang kagaya ko.

God bless you po.

ROMEO GARCIA
Bulakan, Bulacan

Si Fely Guy Ong ay kilalang Herbalist na nagsimulang manggamot noong 1988. Para sa mga katanungan tungkol sa inyong kalusugan, maaari siyang tawagan sa telepono bilang (02) 853-09-17 o 852-09-19 o magsadya sa VM Tower, 727 Roxas Blvd., cor. Airport Rd., Parañaque City.

Back to Basic
NATURE’S HEALING
ni Fely Guy Ong

About Fely Guy Ong

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top