Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maxine ‘di basta-basta nilayasan ang Kapamilya Network
Maxine ‘di basta-basta nilayasan ang Kapamilya Network

Maxine ‘di basta-basta nilayasan ang Kapamilya Network

HINDI nang-iwan sa ere si Maxine Medina. 

Ito ang gustong linawin ng aktres at iginiit na maayos ang naging hiwalayan nila ng ABS-CBN. May prangkisa pa ang TV station nang lumipat si Maxine sa GMA, Disyembre ng 2019, kaya hindi siya maaaring akusahan ng kahit na sino na umalis siya sa Kapamilya Network kung kailan ito nawalan ng prangkisa.

Sa First Yaya ng GMA ay gaganap si Maxine bilang si Lorraine Prado na mang-aapi kay Sanya Lopez (bilang bidang karakter na si Melody Reyes).

Leading man naman sa naturang teleserye  si Gabby Concepcion (bilang Glenn Acosta), kasama rin sina Pancho MagnoPilar PilapilGardo VersozaGlenda Garcia, at Sandy Andolong.

Ipakikilala naman sa First Yaya ang tandem nina Cassy Legaspi (Niña Acosta) at Joaquin “JD” Domagoso (Jonas).

Dahil si Maxine ay Binibining Pilipinas-Universe 2016 title-holder, tinanong namin siya kung ano ang pagkakaiba ng pagiging beauty queen at aktres.

“Actually ang difference po kasi ng pageant and being an actor is that you have more time to… aralin lahat kung anong kailangan mong gawin.

“Like, kunwari, sa role ko, this is new to me eh, being a kontrabida. So may time ako para aralin siya. Pero compared to pageants, you have minimum time like to, give it all. Just one snap, kailangan maibigay mo talaga lahat.

“Walang mali, kailangan perfect, everything. So one time, big time siya. But being an actor, it takes a lot more time to, like being into that role na ibinibigay sa iyo.

“So for me, nae-enjoy ko siya ngayon kasi iba-ibang role ‘yung naibibigay sa akin.

“Like now, sobrang happy ako and blessed kasi ang dami ko ring natutugan. Since, ako po kasi ‘yung taong,  ang hirap magalit, ang hirap magbigay ng thoughts kasi very careful po ako, compared to my role now, is  sobrang galit ako, insecure ako,  tapos inilalabas ko talaga lahat.

“Well sa lahat ng ginagawa ko rito is with the help of direk LA. 

“Natututunan ko siya along the way. Iyon po.”

Si Maxine ay nasa pangangalaga ng Mercator Artist & Model Management  at Empire.PH ni Jonas Gaffud.

Samantala, nasa First Yaya rin sina Boboy Garovillo, Cai Cortez, Kakai BautistaThia Tomalla, Anjo Damiles, Clarence Delgado, Thou Reyes, at sina Kiel Rodriguez, Analyn Barro, Jerick Dolormente, Princess Aguilar, Muriel Lomadilla, Nicki Morena, Allen Dizon, Frances Makil-Ignacio, at Mikoy Morales.     

Ang First Yaya ay idinirehe nina LA Madridejos at Rechie del Carmen at napapanood Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m..

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top