Wednesday , May 12 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Erich, naiyak sa galit kay Enchong
Erich, naiyak sa galit kay Enchong

Erich, naiyak sa galit kay Enchong

MAKE-UP challenge ang topic ng EnRich Original vlog nina Enchong Dee at Erich Gonzales sa YouTube channel nila.

Ito ang most requested challenge na gustong ipagawa ng kanilang 365k subscribers nila sa YT at si Enchong ang magme-make-up kay Erich na noong matapos ay naiiyak ang aktres sa galit.

“Ngayon ako ang magiging Enchong Dee Chanco ni Erich,” sabi ng aktor.

Si RB Chanco ang official make-up artist ni Erich sa lahat ng projects niya.

Ang rules ay bawal tumingin si Erich sa salamin para makita kung ano ang ginagawa sa kanya ni Enchong at bawal din niyang turuan ang kaibigan kung ano ang dapat gawin o unahing ilalagay sa mukha niya.

“In-explain niya sa akin lahat kung para saan, pero ang challenge ‘di ba, ako naman ang magme-make-up?” saad ng aktor.

“Itinuro ko sa kanya kung para saan ang concealer, foundation, powder, blush on, pang contour. Actually, sinabi ko sa kanya step by step, pero sabi niya (Enchong), ‘hindi kung anong gusto ko lang!’” kuwento naman ng aktres.

Magsisimula na ang bagong make-up artist ni Erich at may itinuturo siyang unang gagawin pero sinabihan siya kaagad ng, ”bawal magturo!”

Unang inilagay ng actor ang red lipstick sa labi ng dalaga, ”dapat dampi-dampi lang.”  Pantay naman ang pagkakalagay ng binata, “hindi mo nga kailangan, eh (lipstick).” At nilagyan din ng gloss.

Pero hidi pa rin napigil si Erich na turuan ang aktor na concealer ang isunod pangtakip ng eyebags.

“Wala ka namang eyebags, eh,” sambit ng aktor sa kaibigan habang naglalagay sa ilalim ng mga mata na akala mo nagsusulat.

“Proud ka ba sa mga eyebag mo?” tanong ni Erich kay Enchong.

“Ngayon nakatatawa kasi wala pa tayong eyebags pero kapag dumating na ‘yung araw na mayroon na talaga tayong eyebags iwi-wish mo na sana hindi na pinaghirapan ang eye bags, tama (o) mali?” sagot ng binata.

“Hmm, concentrate ka ha?” tanong ng dalaga.

“Sobra at saka kailangan kong ayusin ‘to (make-up) kasi baka dumating ang araw bawian niya (Erich) ako,” sabi ng aktor.

“Oo nga guys, mag-comment kayo please kung gusto naman ninyong make-apan ko si Enchong,” say naman ng aktres.

At nang matapos na sa mata ay natawa nang husto si Enchong kaya sabi ni Erich, ”puwede ba akong tumingin (salamin)?”

Pero pinagbawalan siya ng aktor, ”hindi, ibe-blend ko pa ‘yan (sabay guhit ulit).”

“Kaya naman tayo maglalagay ng concealer kasi mag-eye shadow tayo para kakapit,” saad ni Erich.

“Ikaw ba, anong hinahanap mo sa isang magaling na make-up artist?” tanong ng binata sa kaibigan.

“Pareho lang make-up, make-up ‘di ba? Depende kung anong requirement sa akin photo shoot or trabaho,” sagot ng dalaga.

Nabanggit ni Erich ang isa sa karakter na ginampanan niya na natural lang dapat.

“Ikaw nga ‘yung the best natural skin looking sa Pilipinas, eh,” sabi naman ng aktor.

“Napaka-bolero mo, hindi mo ako kailangang bolahin, okay tayo,” hirit naman ni Erich.

Habang naglalagay naman ng powder si Enchong sa face ni Erich ay hiningan niya ng advise ang aktres kung ano ang maibibigay nito sa mga bagets pagdating sa make-up. Sinabi naman ng dalaga na depende iyon sa look nila, pero para sa kanya ay mas okay ang less is more.

“Ikaw ano ang gusto mo sa babae, may make-up o wala?” tanong ng dalaga sa kaibigan.

“May sunblock. ‘Di ba ang sunblock importante?” sagot ng aktor sabay sabing, ”grabe ang balat mo, ang ganda!”

At tila nahirapang maglagay ng kilay si Enchong kaya sabi ni Erich, ”sundan mo lang ‘yung (guhit) kilay ko, may kilay naman ako.”

Litong-lito si Enchong sa rami ng brush na gagamitin dahil dapat daw iba-iba ang paggamit sa bawat powder na gagamitin sabi ng dalaga.

“Ano ‘yan parang kahoy na ang ilong ko?” tanong ni Erich sa kaibigan dahil ramdam nito na makapal ang inilagay sa nose line.

“Gusto ko sweet girl ha,” babala ng aktres sa kaibigan.

Naglalagay na kasi ng eye shadow ang aktor at sa dami ng bilin ni Erich ay tila nalito na siya dahil lumampas ang guhit na itim sa mata at tumapang ito.

“Bakit itim? Naglagay ka pa ng concealer kung iitiman mo naman pala?” sita ng aktres.

“Hindi ko na alam ang gagawin ko ha, haha, pink (shadow) na lang,  alam mo uso sa Korean ito, ‘yung parang nangati lang ang mata mo na naluluha (sabay lagay din sa gilid ng mata),” kuwento ng binata.

“Ano ‘yan? Ang inilalagay diyan shimmer,” sabi ni Erich.

“Anong shimmer?” tanong sa sarili ni Enchong.

Nagpalagay din ng mascara si Erich, ”natatakot ako maglagay, bakit marami? Ayaw ko na,” sambit ng aktor.

At natapos na rin at may disclaimer kaagad si Enchong, ”bago natin i-reveal kung ano, I just follow kung ano ‘yung sinabi mo ha haha. Feeling ko seductive (looking). Feeling ko pasado, eh (sabay tingin nito sa salamin).”

Nang tingnan na ni Erich ang sarili sa salamin sumimangot kaagad, ”sinasabi ko na, ‘Chong!”

Namumula naman sa katatawa ang aktor na hindi malaman kung ano ang gagawin.

“Ano ‘to? Nakakaiyak ‘to! Hindi na lang ako lalabas (may lakad pa mandin ang aktres). Wala (oras) ng pang ayusin ‘to,” saad ni Erich.

Dagdag pa, ”naku it’s payback, kaya guys mag-comment na kayo kung ano naman ang puwede kong gawin sa kanya.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top