Saturday , May 15 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden sa movie nila ni Bea Mas lamang ang kaba ‘di biro ang role
Alden sa movie nila ni Bea Mas lamang ang kaba ‘di biro ang role

Alden sa movie nila ni Bea Mas lamang ang kaba ‘di biro ang role

MATUTUPAD na sa wakas ang pangarap ni Alden Richards na gumanap sa isang K-drama remake dahil kompirmado nang magiging bahagi siya ng upcoming movie na hango sa Japanese drama na Pure Soul. May Korean adaptation din ito noong 2004 na pinamagatang A Moment to Remember.

Sa pelikulang co-produced ng Viva Films, GMA Pictures, at APT Entertainment, makakapareha ni Alden si Bea Alonzo na minsan na niyang nakatrabaho sa isang shampoo commercial.

Mixed emotions ang nararamdaman ng Kapuso actor dahil nagsisimula na ang kanilang paghahanda para sa pelikula.

“Wala akong natututuhan kung laging doon lang ako sa comfortable roles pero ngayon after ko siyang basahin, masaya ako na mas lamang ‘yung kaba kasi hindi biro ‘yung role,” aniya.

Excited na rin si Alden na finally ay makakatrabaho si Bea. Kuwento niya, ”Gusto ko siyang maka-work sana sa movie kasi nasubaybayan ko halos lahat ng movies nila ni John Lloyd Cruz.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top