Tuesday , May 18 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ogie ibinida: B at M nanghikayat lumipat ng ibang network
Ogie ibinida: B at M nanghikayat lumipat ng ibang network

Ogie ibinida: B at M nanghikayat lumipat ng ibang network

SA latest vlog ni Ogie Diaz sinabi niya na kapag nakabalik na sa ere ang ABS-CBN (nabigyan na uli ng prangkisa), hindi na nito tatanggapin ang mga artistang umalis sa kanila.’Yung mga artistang lumipat na nga kasi sa ibang estasyon ay nanghihikayat pa ng ibang mga artista sa Dos na lumipat na rin.

Hindi nagbanggit ng pangalan si Papa O (tawag namin kay Ogie) kung sino-sino ang mga ‘yun. Pero nagbigay siya ng dalawang inisyal ng pangalan. Ang isa ay B at ang isa ay M.

Hindi kaya ang tinutukoy ni Papa O na B ay si Billy Crawford o Bayani Agbayani? At ang M naman ay Maja Salvador?

Alam naman natin na umalis sina Billy, Bayani, at Maja sa Dos para lumipat sa TV5 ‘di ba? Sa kanila nga kaya masama ang loob ng Kapamilya Network dahil sa pag-alis nila rito at may panghihikayat pa sa iba na umalis na rin?

Kung mabalitaan nila ang rebelasyon ni Papa O, isipin kaya nila na sila  ang tinutukoy ng manager nina Liza Soberano at Enrique Gil?

MA at PA
ni Rommel Placente

 

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top