Sunday , May 16 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rey PJ ok ang negosyo at career
Rey PJ ok ang negosyo at career

Rey PJ ok ang negosyo at career

KUNG titingnan, sasabihing naging masinop sa buhay niya ang isa sa Liberty Boys ng yumaong reporter at manager na si Alfie Lorenzo, si Rey “PJ” Abellana.

Naging matinee idol din naman si PJ sa panahon nila ni Leni San­tos.

Pe­ro du­ma­ting man kay PJ ang pana­hong nawala siya sa limelight, hindi naman tumigil ang ikot ng kanyang mundo. Dahil na rin sa kakaibang bonding nilang magkakapatid, nagtutulong-tulungan sila sa negosyo ng bawat isa.

At nakatagpo rin ng katuwang sa buhay si PJ in the person of Sheena na nagkaroon siya ng dalawang supling, sina Reysheel at JR. May dalawang anak din si PJ sa dati niyang nakarelasyong si Rea Reyes, sina Erika at Carla.

Hindi naputol ang relasyon ni Rey kina Erika at Carla.

Sa kuwento nga ni Rey na kamakailan ay pumirma na sa Viva Films management with Aster Amoyo, nitong nagdaang Pasko at Bagong Taon lang hindi nakapag-celebrate si PJ and his family kina Carla at boyfriend na si Tom Rodriguez.

Kaya kamakailan, dumalaw sina Tom at Carla sa tahanan nina Rey para magsalo sa isang merienda prepared by Rey’s wife Sheena. At napagkuwentuhan na rin nila ang idaraos na debut ng panganay nina Rey at Sheena, si Reysheel sa March 28, 2021.

May mga negosyo sa Japan si Sheena. Pero dahil debut ng kanilang dalaga, at mayroon pa ring pandemya, mas ini-enjoy niya ang bonding ng kanilang pamilya.

Handa na ba si Rey kung sakaling hingin na ni Tom ang kamay ng kanyang si Carla sa kanilang pagtataling-puso?

“Nasa tamang mga edad na sila. Every parent wants only the best for the kids. I am happy for my daughters. Si Erika, your inaanak eh, may pamilya na. I am wishing that for Carla, too. But apart from that, I just want her to be very healthy. Hindi siya lumabas noong Christmas and New Year because she didn’t wanna compromise her health.”

Sa mga naunang balita, lumabas na nagdagdag ng ilang pounds si Carla dahil sa mga dinala nitong sakit, na napansin niya in a trip sa Japan. Mayroon siyang asthma na umano’y nasabayan pa ng tachycardia, hypothyroidism at liver damage kaya siya lumobo ng todo. Pero dahil naalagaan at nabantayan, okay na ang kanyang kalusugan.

Matapos na mag-purchase ng condo units kamakailan na malamang na maging negosyo na naman nilang mag-asawa, hinaharap naman nina PJ ngayon ang pagiging  hands-on sa pagpaplano at pag-aasikaso sa debut ng kanilang si Reysheel na isang honor student at mahusay na animator sa panahon ng pandemya.

“Hindi ko ito nagawa before sa iba kong mga anak kaya I am excited. Erika and Carla will be there. Kaya syempre, mayroon silang participation.”

Hinihintay na lang ni Rey ang tawag for his shoot sa isang mahalagang papel sa Mamasapano at sumisige rin muna sa guestings na ang pagiging singer niya ang kailangan gaya nang sumalang sa Himig ng Lahi sa Net25 ng EBC.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top