Friday , September 19 2025

‘Lockdown’ sa bayan bakasyon kay Roque binatikos ng netizens

INULAN ng batikos ang pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na isang taon nang ‘nakabakasyon’ ng mga Pinoy mula nang isailalim sa quarantine ang bansa bunsod ng CoVid-19 pandemic kaya marapat ang pagbawi sa tatlong special working holidays ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“Well, alam po ninyo, iyan ay dahil po sa advice ng economic team. Napakatagal na po natin nakabakasyon. Halos isang taon na tayong nagbakasyon dahil sa CoVid-19,” reaksiyon ni Roque sa panawagan ng ilang senador sa Malacañang na ikonsidera at bawiin ang anunsiyong special working holidays ang November 2, December 24 at December 31.

“Siguro naman po ngayong nandito na ang bakuna, hayaan naman nating maka-recover tayo for lost time ‘no,” dagdag niya.

Para kay Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) secretary-general Renato Reyes, Jr., hindi matatawag na bakasyon ang nakalipas na isang taong kalbaryong naranasan ng mga mamamayan sa ilalim ng pandemya.

“Malayo sa bakasyon ang nangyari noong nakaraang taon. Ibayong dusa ang sinapit ng tao. Milyon-milyon ang nawalan ng trabaho. Parang kasalanan na naman ng tao itong problema,” sabi ni Reyes sa Facebook account.

Ayon kay human rights lawyer Maria Sol Taule, hindi matatawag na nagbakasyon sa nakaraang isang taon ang mga driver na ilang buwan nang hindi nakapapasada, mga obrerong nawalan ng trabaho, mga nag-online selling at mga taong 24/7 work from home pero walang overtime pay.

“Malamang nagbakasyon kasi nawalan ng trabaho,” patutsada ni dating Kabataan partylist Rep. Terry Ridon kay Roque.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *