Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kelvin napa-wow! sa billboard niya sa EDSA
Kelvin napa-wow! sa billboard niya sa EDSA

Kelvin napa-wow! sa billboard niya sa EDSA

BONGGA si Kelvin Miranda, huh? Mayroon kasi siyang malaking billboard ng isang clothing brand sa Edsa.

Masayang-masaya ang gwapong binata na nakikita niya ang sarili sa  Edsa.

“Sa totoo lang po, mula noong bata ako iniisip ko kung anong pakiramdam na magkaroon ng billboard at nasagot ang katanungang ‘yun gawa nitong billboard ng Bench,” sabi ni Kelvin sa isang interview niya.

Napa-wow si Kelvin nang makita ang kanyang billboard.

“Kakaiba ‘yung pakiramdam dahil namangha ako sa sarili nang makita ko sa EDSA ‘yung billboard ko,” natatawang sabi pa niya.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top