Wednesday , May 19 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kaputol ni Cong Alfred pinarangalan ng FDCP
Kaputol ni Cong Alfred pinarangalan ng FDCP

Kaputol ni Cong Alfred pinarangalan ng FDCP

ISA si Congressman Alfred Vargas sa pinarangalan kamakailan ng Film Development Council of the Philippines sa katatapos na Film Ambassadors’ Night.

This time, para sa pelikulang Kaputol na produced ng AV Cinema ni Cong. Alfred ang parangal pati na sa cast nito.

“Completing a film born out of passion is a reward in itself. Being honored for it is an inspiration and validation that we are on the right track,” saad ni Alfred nang matanggap ang ipinadalang tropeo sa kanya.

Hindi man tiyak kung mababawi ang puhunan sa movie, ginawa pa rin niya ang isang passion project.

Nanalo ang Kaputol ng Best Performance para sa buong cast sa 2020 Innuendo International Film Festival sa Italy. Naging in competition din ito sa Bengaluru International Film Festival sa India at sa Asian Film Festival sa Rome.

Ang huling movie na ipinrodyus niya ay ang Tagpuan na nanalong Best Feature Film sa Chauri Chaura International Film Festival sa India.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top