Tuesday , April 13 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres totoong may tililing

Aktres totoong may tililing

TALAGA naman daw totoong may tililing ang isang female star. Katunayan, ilang ulit na rin siyang na-confine sa basement ng isang ospital, pero ang problema, ayaw niyang tanggapin na totoo na nga ang kanyang tililing kaya ayaw niyang inumin ang mga gamot na dapat sana ay iniinom niya araw-araw para maiwasan ang kanyang mga sumpong.

Basta raw nababantayan ang kanyang pag-inom ng gamot, matino naman ang kanyang pag-iisip. Pero dahil ayaw niyang inumin iyon, madalas naloloka siya talaga.

Actually kawawa si female star, nasira na ang kanyang buhay at maging ang kanyang career dahil sa tililing niya. Kasalanan din naman niya. Nang maging broken hearted kasi siya, natuto siyang gumamit ng droga. Roon nagsimula iyon na nauwi na nga sa tililing.

Ang masama pa, kung minsan ay sinasabing sinasaktan niya ang sarili, kaya kailangan ay lagi rin siyang binabantayan dahil baka kung ano pa ang mangyari sa kanya. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top