Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Pa-Vday ni Xian kay Kim parang proposal
Pa-Vday ni Xian kay Kim parang proposal

Pa-Vday ni Xian kay Kim parang proposal

NAG-CELEBRATE ng Valentine’s Day kahapon ang showbiz couple na sina Kim Chiu at Xian Lim sa Coron, Palawan.

Ikinagulat ni Kim ang sorpresang ito ng boyfriend dahil inakala niyang malapit lang ang biyahe nila kaya hindi siya ready sa outfits na dinala.

Ayon sa fotos  at bahagi ng caption na ipinost ng Chinita Princess sa kanyang Instagram, ”Sabi niya out of town tayo, then suddenly he sent me a hangar address kala ko saang out of town, FLY out of town pala!!! Di ready outfits ko.

“Pero I melt. Thank you Xi for always putting an A+++++EFFORT!

“Glad to spend Vday also with the girls closest to my heart: Tita Mary Anne, lola, ate kris and anna and jayson.”

Tila nagrenta ng private plane si Xian para sa kanilang lahat, huh!

Pinusun ng netizens ang post ni Kim habang si Melai Cantiveros/Francisco na may user name na @mrandmrsfrancisco ay nagkomtento ng, ”Grabe walang makatalo sa pasabog natu.

“I think magpropose na si Xi @xianlim.”

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top