Monday , May 10 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mark sa kanilang newborn baby boy Ang tagal ka naming hinintay Corky
Mark sa kanilang newborn baby boy Ang tagal ka naming hinintay Corky

Mark sa kanilang newborn baby boy Ang tagal ka naming hinintay Corky

UMAAPAW ang saya ng Kapuso couple na sina Mark Herras at Nicole Donesa sa pagdating ng kanilang firstborn baby na si Corky noong Linggo, Enero 31.

Sa kanyang Instagram post, ibinahagi ni Mark ang saya at pasasalamat, ”Thank you, Lord, dahil healthy ang bibiboy namin. Simula na ng mga sleepless nights pero worth it naman kasi ang tagal naming hinintay si Corky.”

Dagdag pa niya, bubusugin nila ni Nicole ng pagmamahal ang anak. ”At dahil andito ka na ngayon, gagawin namin ni mammeeh lahat para sa’yo! Mahal na mahal ka namin Corky to infinity and beyond.”

Bumuhos ang suporta at well wishes sa comments section ng Kapuso performer. Kabilang sa mga bumati sina Mark Bautista, Shaira Diaz, Boobay, Gabby Eigenmann, at marami pang iba na malalapit nilang kaibigan sa industriya.

Congratulations, Mark and Nicole!

 

 

 

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top