Friday , April 26 2024

Face-to-face campaign delikado (Sa 2022 polls)

ni ROSE NOVENARIO

PABOR si vaccine czar at CoVid-19 policy chief implementer Carlito Galvez, Jr., na ipagbawal ang face-to-face campaign para sa halalan 2022 national elections dahil delikadong kumalat ang coronavirus disease (CoVid-19).

Sinabi ni Galvez na malaking hamon at mapanganib ang personal na pangangampanya ng mga kandidato na mangangahulugan ng close contact sa mara­ming tao na maaaring maging sanhi ng hawaan ng sakit.

Ayon kay Galvez, tatalakayin nila ng Commission on Elections (COMELEC) ang nasabing isyu.

“Iyon po ay tatalakayin natin po with the Comelec kasi talaga pong nakikita po natin na malaki po iyon na challenge at risk, iyong magkakaroon po ng mga face-to-face na crowd gathering,” sabi ni Galvez sa Laging Handa public briefing kahapon.

“Nakikita po natin na iyong pangangampanya po, it will enhance iyong close contact with different people. So, kapag ano po namin at tumatawag na rin po sa akin ang COMELEC and we will discuss this later,” dagdag ni Galvez.

Inihayag kamaka­lawa ng Comelec na pinag-aaralan ng poll body ang ban sa face-to-face campaign sa May 2022 elections bunsod ng CoVid-19 pandemic.

“Activities, like giving out materials or going out or talking to people face-to-face for campaign purposes — that’s gonna change. Door-to-door campaigns might be prohibited,” ani Comelec spokesperson James Jimenez.

Posible aniyang isulong ng poll body ang online campaigning upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante ngunit kailangan ang batas para maipatupad ito.

Para kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate,  kapag natuloy ang implementasyon ng ban sa face-to-face campaign, papabor ito sa mayayamang kandidato at ang halalan ay magiging paligsahan ng “rich and famous.”

“Again, if face-to-face campaigning would be prohibited, candidates would have to rely on online and media ads campaigning which is very expensive and only the rich candidates can afford that,” aniya.

 

About Rose Novenario

Check Also

AFP modernization suportado ni Padilla

“MAGIGING maingay kami sa pagsusulong ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), lalo …

Navotas MOU Makabata Helpline

Navotas lumagda sa MOU para sa Makabata Helpline

NAKIPAGKASUNDO ang pamahalaang lungsod ng Navotas akasama ang Council for the Welfare of Children (CWC) …

Bong Go Rex Gatchalian

DSDW chief sinabon ng senador

TILA NAKATIKIM ng ‘sabong walang banlawan’ si Department of Social Worker and Development (DSWD) Secretary …

UP PGH

Upgrade ng PGH inilatag sa SB 2634

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pag-upgrade ng mga serbisyo at pasilidad ng Philippine …

Laguna Police Best Police Provincial Office Award CALABARZON

Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
LAGUNA POLICE PROVINCIAL OFFICE BEST PPO SA CALABARZON

Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *