Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John Rendez, super hero but Not Superman
John Rendez, super hero but Not Superman

John Rendez, super hero but Not Superman

IPAHAHATID ng singer-rapper na si John Rendez ang mensahe ng pagiging isang superhero sa puso sa upcoming single niya mula sa Star Music, ang Not Superman, na mapakikinggan simula sa Biyernes (January 29).

Ang alternative pop rock ay ipinrodyus at komposisyon ni ABS-CBN Music creative director, Jonathan Manalo na inilalarawan ang mga ala-super hero n pagsisikap ng mga tao na makatulong sa kanilang kapwa sa kabila ng maraming limitasyon.

Bida sa kanta ang baritone na boses at rapping skills ng Star Music artist na kaiba sa tema at tunog ng single niyang Think About It na inilabas noong 2019. Ito ring taong ito nanalo si John ng PMPC Star Award for Folk/Country Recording of the Year para sa debut single niyang Star All Over Again na isinulat at ipinrodyus din ni Jonathan sa ilalim ng Star Music.

Bukod sa pagiging music artist, isa ring aktor si John na lumabas na sa mga pelikulang Sindak (1999), Madaling Mamatay, Mahirap Mabuhay (1996), at Whistleblower (2016), na nakasama niya ang malapit na kaibigan at manager na si Nora Aunor.

Pakinggan ang Not Superman ni John simula sa Biyernes (January 29) sa iba’t ibang digital music streaming platforms. Abangan din ang official music video nito sa February 1 (Lunes) sa Star Music YouTube channel.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top