Saturday , April 27 2024

“No disconnection” policy palawigin (Hirit sa Senado)

ni NIÑO ACLAN

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang Energy Regulatory Commission (ERC) at mga distribution utilities (DUs), tulad ng Meralco, na dinggin ang panawagan ng publiko na palawigin ang “no disconnection” policy sa mga pamilyang tinaguriang “low-income consumers” habang umiiral ang general community quarantine (GCQ).

Una nang inianunsiyo ng Meralco na hanggang 31 Disyembre 2020 na lang ang “no dis­connection policy” para sa mga kumukonsuno ng koryente kada buwan na may 200 kilowatt-hour (kWh) o mas mababa pa, ngunit pinahaba pa ng Meralco ang deadline hanggang katapusan ng kasalukuyang buwan.

Nasa higit tatlong milyon ang nakikinabang dito.

“Maliban sa iilan na may negosyong tinata­wag nating essential goods and services, karamihan sa mga negosyo ay hindi pa rin normal ang operasyon kaya marami pa rin ang walang trabaho o kaya ay hindi regular ang trabaho. Halos lahat ay nagsisikap na mapunan ang mga pang araw-araw na gastusin,” ayon kay Gatchalian.

Ayon sa survey na isinagawa ng Pulse Asia Research Inc., noong Nobyembre 2020, umabot sa 58 porsiyento sa 2,400 na-survey ang nagsabing nawalan sila ng trabaho o pinagkukunan ng kita kasunod ng pandemya.

Ang pinakaapektado ay mga nasa Class D at E. Nasa 58 porsiyento sa Class D at nasa 64 porsiyento naman sa Class E ang nagsabing nakaranas silang mawalan ng trabaho o pinagkakakitaan.

Higit sa kalahati o 57 porsiyento ng mga taga- Mindanao ang nagsabing nabawasan ang kanilang suweldo o kita samantala 53 porsiyento ng mga nasa Class A, B at C ay nagsabing nawalan din sila ng trabaho o pinagkakakitaan.

Sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa 3.8 milyon ang mga nawalan ng trabaho noong Oktubre ng nakaraang taon kung ikokompara sa datos ng parehong buwan ng 2019 na 2.1 milyon.

“Habang hindi pa humuhupa ang pandem­ya, patuloy pa rin sana ang pagiging maluwag ng distribution utilities (DUs) tulad ng Meralco pagdating sa pagbaba­yad ng koryente. Humanitarian consideration sana ang pinaiiral upang mas matugunan ang panga­ngailangan ng marami,” ayon kay Gatchalian, na ang panawagan ay kasunod ng pagpuputol ng Meralco ng koryente sa mga hindi pa nakapag­babayad ng kanilang bill.

“Hindi pa napapa­nahon para ipatupad ang nakagawiang paniningil sa due date ng bill ng koryente lalo na sa mga low-income consumers. Katatapos lang ng Pasko at marami ang pinilit na ipagdiwang ito sa abot ng kanilang makakaya. Mas makabubuting palawigin pa ang ‘no disconnection’ policy hanggang matapos ang quarantine,” ayon kay Gatchalian.

About Niño Aclan

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *