Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alden’s virtual concert, trending uli
Alden’s virtual concert, trending uli

Alden’s virtual concert, trending uli

TRENDING topic ulit ang virtual reality concert ni Alden Richards matapos ang pag-ere nito sa telebisyon nitong Linggo (January 17) via  Alden’s Reality: The TV Special.

Maraming Kapuso viewers ang talagang nag-request na mapanood ang sold-out virtual concert ng Asia’s Multimedia Star na ginanap last Dec. 8. Kung sabagay, noon mismong gabi ng concert ay trending ang #AldensReality sa Twitter.

Last Sunday night nga, pasok sa Philippines trends list ang official hashtag nito na #AldensRealityTheTVSpecial.

Usap-usapan ang performances ni Alden kasama ang kanyang special guests na sina Rodjun at Rayver Cruz at bandang December Avenue. Pati mga Kapuso abroad ay tumutok din via GMA Pinoy TV.

Ang Alden’s Reality ay produced ng GMA Synergy at handog ni Alden sa kanyang fans sa kanyang ika-10 taon sa showbiz.

COOL JOE!
ni Joe Barrameda

 

 

About Joe Barrameda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top