Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Tatay, kontak sa ‘sideline’ ni nalalaos na actor
Tatay, kontak sa ‘sideline’ ni nalalaos na actor

Tatay, kontak sa ‘sideline’ ni nalalaos na actor

ITO na yata ang pinaka-grabe sa lahat ng narinig naming ”kuwentong sideline?”

Iyong tatay daw ng isang nalalaos nang male star ay ”nakikialam na sa kanyang sideline.” May isang pagkakataon umano na ang tatay ang mismong nagkipag-deal sa makaka-date ng kanyang anak na lalaki. Nakuha ng tatay ang downpayment, na mas malaki kaysa nahawakan ng nalalaos nang male star.

Ang katuwiran daw ng tatay, kailangan nila ng pera para mabuhay ang kanilang pamilya.

Ano kaya ang sasabihin ng nalalaos na ring girlfriend ng male star kung malalaman niyang ang tatay mismo niyon ang “nagkakasa” pa sa laos na male star para makipag-date sa mga mayayamang bading?

Alam na raw ng mga bading, kung gusto mo pa ang male star, dapat contact mo ang tatay. (Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top