Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Enchong Dee, type jowain si Liza; Erich, super kilig kay Park Seo-joon
Enchong Dee, type jowain si Liza; Erich, super kilig kay Park Seo-joon

Enchong Dee, type jowain si Liza; Erich, super kilig kay Park Seo-joon

SA Jojowain at Totropahin episode ng EnRich Originals nina Enchong Dee at Erich Gonzales, nalaman naming mahilig pala sa Korean actors ang aktres at kinikilig pa.

Tulad ni Jo In-Sung na unang tanong sa kanya ni Enchong, ”Napanood ko siya sa ‘Winter, The Wind Blows’ kasama niya si Song Hye-kyo. Jojowain ko si Jo In-Sung, hindi ko kilala pero base sa characters nya, roon ako nag-base.”

Mahilig naman sa pisngi at magaganda si Enchong dahil type niya ang girlfriend ni Sam Milby na si 2018 Miss Universe Catriona Gray.

Sagot kaagad ng aktor nang banggitin ni Erich ang pangalan ng beauty queen, ”Jojowain,” sagot kaagad ng aktor.

Nagulat naman ang aktres, ”Wow, walang patumpik-tumpik ‘pag Miss Universe, sana all.”

“Opinyon ko lang ito ha, siya ‘yung pinakagusto kong Miss Universe. Alam mo namang mahilig ako sa pisngi kaya and I like her advocacies also.”

Ang Korean actor na si Park Seo-joon ay type naman ni Erich at kinikilig pa.

“Jojowain ayieee,” kinilig na sabi ng dalaga at tanong ni Enchong kung sino siya.

“Sa ‘Itaewon Class’ at ‘Whats Wrong with Secretary Kim’ (sabay palakpak),” sabi kaagad ng aktres.

“Ah okay, lagi niya (sabay harap sa kamera) kasi binabanggit sa akin na panoorin ko raw ang ‘Itaewon class,’” sambit naman ng aktor.

Si dating Ms UniversePia Wurtzbach? Ang sumunod na tanong ni Erich kay Enchong.

“Totropahin ko si Pia,” say ng binate.

Tanong kaagad ni Erich, ”bakit?” 

“Parang tropa lang siya. Siguro hindi siya ‘yung preference ko at saka nakasama ko siya sa ‘ASAP Sydney’ (Australia) talagang tropa, ang sarap kausap parang cowboy,” pahayag ng binata.

Mahilig man sa Korean actors si Erich ay hindi naman niya type jowain si Ryan Bang.

“Ahh totropahin natin ‘yan si Ryan Bang,” kaswal na sagot ng dalaga.

Tanong agad ng aktor, ”Akala ko ba mahilig ka sa Korean looking?”

“Hindi, kaibigan ko talaga ‘yan! Nakasama ko si Ryan Bang sa ‘Shout Out’ (2011). Tulad ng nakasama mo na, parang tropa ‘to, eh,” paliwanag ni Erich.

Maganda at may pisngi si Kathryn Bernardo, pero hindi type jowain ni Enchong, takot kaya siya kay Daniel Padilla?

“Totropahin ko si Kath kasi nakasama ko siya at saka talagang tropa ko siya (kahit wala si Daniel Padilla). Kasi nakasama ko siya sa out of the country, mahilig siyang mag-alaga sa mga taong nasa paligid niya. Tapos nagkasama kami sa Rome, nawala sila ni DJ for 30 minutes tapos pagbalik nila, mayroon silang gift sa akin at saka nasa mamahalin kaming area.”

Sabay biro ni Erich, ”Aww, nawala sila ng 30 minutes tapos may gift sa ‘yo? Oy mahal ang gift.

“Kaya kailangan ko silang tropahin,” natawang sabi ng aktor.

Guwapo at sikat, pero tropa ang tingin ni Erich kay Mauro Maurier na naging leading man niya sa pelikulang Suddenly it’s Magic noong 2012.

“Ahh si Mauro, totropahin. Alam n’yo guys share ko lang sa inyo na kahit ang tagal-tagal na ng ‘Suddenly it’s Magic’ na ilang taon na ang nakalipas. Hanggang ngayon ay may communication pa rin kami, nagte-text or kahit sa IG, nagpi-PM. At saka ‘yung kuya niya si Marco at ‘yung mother niya si Pia,” nakangiting kuwento ng dalaga.

At kapag nadadayo ng Thailand si Erich ay nagkikita sila ni Mauro pati ang pamilya nito.

Wala namang pakialam si Enchong kay Enrique Gil dahil type niyang jowain si Liza Soberano.

Bumuntong hininga muna ang aktor at saka niya sinagot ng ‘jojowain’ si Liza.

“Eh, bakit ka napabuntung hininga?” tanong ni Erich.

“Eh, kaibigan ko kasi si (Enrique), ay sige kunwari walang jowa. Eh, ang ganda naman kasi talaga niya, eh. Tapos ang sarap niyang kasama, she’s so cool. She has these adventure na gusto ko rin. Parang ang sarap niyang makasama sa mga adventure at mga trip abroad,” paglalarawan ni Enchong kay Liza.

Jojowain din ang sagot ng aktor kay Maja Salvador na lagi rin niyang partner sa dance floor.

”Siguro jojowain. Parang ikaw (Erich) gustong-gusto ko kasi ‘yung aura, ‘yung good vibes, ‘yung kindness sa heart. Gusto ko ‘yung ‘pag may grupo na kahit hindi niya kilala, she will make that person feel comfortable.”

Sundot din ni Erich, ”at iba ‘yung energy niya talaga kumbaga contagious, ‘yung positive vibes niya. ‘Yung pagpasok niya sa room, ‘wow bright or brighter, alam mo ‘yun?”

Sabay nag-kiss si Enchong kay Maja sa camera. Hirit ni Erich, ”love you Maya.”

Tila nagselos naman ang binata, ”akin ‘yun, eh.”

Natawa naman ang aktres sa reaksiyon ng kaibigang aktor.

Si Erich ang kinilig nang banggitin niya ang pangalan ni Julia Montes na ex-girlfriend ni Enchong.

“Jojowain!” nakatawang sabi ni Enchong.

“Uy, bakit, bakit explain mo. Bakit nag-blush ka.” Nanunuksong tanong ng aktres.

“Wala ng explanation. Julia is someone you love to take care of. Masarap siyang alagaan, masarap siyang maging part ng family,” pahayag ng binata sabay bati, ”hi Juls we miss you, bihira kasi natin siyang makita.”

Mahaba pa ang tanungan portion ng EnRich kaya mas magandang panoorin na lang sa YT channel nila.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top