Saturday , February 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alex at Mikee, umamin na: We’re married
Alex at Mikee, umamin na: We’re married

Alex at Mikee, umamin na: We’re married

TAMA pala ang nasulat namin dito sa Hataw kamakailan na ‘kasal’ na sina Alex Gonzaga at Mikee Morada base na rin sa suot nilang singsing na nakunan ng netizens habang magkatabi sila sa sasakyan.

At kinompirma na nga nina Mikee at Alex na kasal na sila noon pang Nobyembre 2020 sa YouTube channel ng huli na may titulong, ‘We’re Married!; pero hindi nila binanggit ang eksaktong petsa. Ang venue ng kasal ay sa mismong bahay ng mga Gonzaga.

Engrandeng kasal ang pangarap ni Alex pero hindi nangyari dahil sa Covid19 pandemic kaya ang plano nila ni Mikee ay ngayong taon, 2021 ang big wedding kapag maayos na ang lahat.

Orihinal na buwan ng kasal ay noong Oktubre 2020 pero dahil nagpositibo pareho sina Alext at Mikee kasama pa ang magulang ng una na sina Daddy Bono at Mommy Pinty kaya hindi natuloy na labis na ikinasama ng loob noon ng dalaga.

Anyway, ang kuwento ni Mrs. Mikee Morada, ”Rito kami ikinasal, kasama ang family and parents namin. I’m very, very sorry netizens kung hindi ko nai-share sa inyo agad ang mga nangyari is because we want to celebrate together as a family muna and siyempre ‘yung timing din dahil may pandemic. We wanted to keep it to ourselves for a little while to celebrate. Mister ko na itong mokong (sabay turo kay Mikee) na ito, ano masaya ka?”

Napangiting sagot ni Mikee, ”Masaya, masayang ikasal.”

“Ang saya guys, we’re happily married, finally katabi ko na siyang matulog (sabay kurot kay Mikee). Finally, nakakatulog na siya sa kuwarto ko. Ipakikita ko naman talaga sa inyo soon kung ano talaga ang nangyari sa wedding namin. We want to thank our family kasi the moment we said na we want to get married, they’re all very supportive and lahat sila pumunta rito (immediate family sabi ni Mikee).

“This wedding is for our parents kasi siyempre ‘yung nangyayari ngayon it’s very uncertain hindi natin alam kung kailan matatapos ang pandemic siyempre gusto namin to seal the deal na nadito kaming lahat, nandito tayong lahat.

“Okay aminin ko na, gusto ko na kasi siya (Mikee) makatabi sa kama pero ayaw pa ng mommy at daddy ko kaya sabi ko, ‘alam n’yo, ikasal na lang (kami). Ngayon okay na, approved na nina Pinty at Bono kasi sa totoo lang nasa tamang edad na rin naman kami ni Mikee at kahit nasa tamang edad kami kung ano ‘yung request ng magulang ko, iginalang ni Mikee. At ngayon after ng first night namin, okay na, kasal na kami hayan (sabay pakita ng wedding ring nila pareho),” kuwento ni Alex.

Sobrang nagpapasalamat si Alex sa Diyos dahil hindi niya sukat akalain na lahat ng hiniling niya ay ibinigay at eksakto pa.

“Alam n’yo there was a time in my life na ‘yung mga request ko kay Lord, akala ko hindi na ibibigay ni Lord o impossible na maibigay sa akin pero you just have to wait for God’s perfect time (kasi) ibibigay niya talaga kung ano ‘yung ini-request mo, eksakto, sabi ko gusto ko ng lalaking naka-cap (sabay tingin sa asawa), gusto ko nakasalamin, Boy next door type, gusto ko parang daddy ko, eh ito Bono ng Lipa (City),” nakangiting pahayag ni Alex.

Ayon naman sa hubby ng aktres, ”Ako lumaki akong panganay so masaya ako na para akong kuya na pino-protektahan ko ang mga kapatid ko and siyempre sa aking partner na asawa na ngayon.”

Ikinuwento na ng TV host/actress/vlogger kung paano ang set-up nilang mag-asawa.

“Weekends lang kami magkasama kasi may work siya sa Lipa (bilang konsehal). Grabe ito matulog laging nakadagan sa akin, gusto niya laging double deck kami ha, hahaha,” pambubuking ng wifey ni Mikee.

At ang wedding vow na binasa ni Alex sa kasal nila ni Mikee.

“When I met you, I was used to people always seeing the bad side in me, but when you came into my life, everyday you keep on making me feel that I’m a prized possession. You made me feel like I’m a winner just being me and little by little I’m finding peace within myself.

“I love you and I’ve never been more sure that you’re in God’s blessing and answered prayer to me. Tonight is the night, when two become one (tawanan ang lahat). Sana nakapag-prepare ka kasi talagang magkakalumpuhan tonight. But in all honesty, I praise God and I thank Jesus for you because you made the little girl dream come true.”

“Happy-happy ako na ikaw ang ibinigay sa akin ni Lord. And I promised to take care of you gaya ng sinabi ko sa ‘yo noong una kitang tinanong. I promised to take care of you always and protect you, I love you and thank you for everything,” sabi naman ni Mikee.

Sa unang bahagi ng video ni Alex ay nabanggit ni Mikee na lahat ng oras ay sasamahan niya ang asawa, lagi siyang uuwi sa bahay nila, at susunduin niya sa trabaho ang misis hangga’t kaya niya at higit sa lahat, aalalayan niya ito kapag sinusumpong ng kabag.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top