Sunday , March 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ken Chan, nag-panic sa lock-in taping
Ken Chan, nag-panic sa lock-in taping

Ken Chan, nag-panic sa lock-in taping

READY na ang Kapuso actor na si Ken Chan sa unang cycle ng lock-in taping ng pagbibidahang Kapuso series na Ang Dalawang Ikaw.

Sa Instagram story ng aktor kahapon, ibinahagi ni Ken ang taping essentials na dadalhin niya. Makikita rito ang storage boxes na may lamang pagkain at toiletries, pati na rin ang tatlong maleta para sa kanyang mga damit.

Ani Ken, siya mismo ang nag-ayos ng kanyang mga gamit na dadalhin sa lock-in taping, at “excited” at “looking forward” na siya rito.

Bukod sa paghahanda ng kanyang taping essentials, lubos ding pinaghahandaan ni Ken ang kanyang role bilang si Nelson, isang lalaking may dissociative identity disorder o DID.

Makaka­tambal ni Ken sa Ang Dalawang Ikaw si Rita Daniela.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top