Thursday , February 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nagpaliwanag si Jaime
Nagpaliwanag si Jaime

Nagpaliwanag si Jaime

Dahil nalason na ang isipan ni Donna Belle (Althea Ablan) na masama ang kanyang Nanay Lilian (Katrina Halili) at ginamit lang sila nito para pagkakitaan, nahirapan si Jaime (Wendell Ramos) na ipaliwanag ritong mahal sila ni Lilian at walang balak na masama sa kanilang magkakapatid.

Ngunit kahit anong paliwanag, sarado na talaga ang isipan ni Donna Belle sa katotohan at nagtagumpay talaga sina Kendra (Aiko Melendez) na i-brainwash ang napaka-impressionable na isipan nito.

Ngunit ayaw pa rin isuko ni Jaime ang kanyang punto de vista. Pasasaan ba’t maliliwanagan din daw si Donna Belle at muli niyang mamahalin ang alaala ng kanyang ina.

Samantala, laking gulat ni Jaime nang tumawag siya sa opisina nina Ruben Escalante (James Blanco) at sagutin ni Lilian ang telepono. Ganoon na lamang ang pagkagulat niya dahil boses ni Lilian ang sumagot sa kanya.

Mukhang lalong umiigting ang mga eksena sa Prima Donnas na mapanonood sa GMA7 every 3:25 in the afternoon.

Sana, tulad ko ay pakasubaybayan n’yo rin ang top-rating soap na ito that is being directed by the competent actress/director Gina Alajar.

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top