Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ellen, umaming nagkulang kay Lloydie
Ellen, umaming nagkulang kay Lloydie

Ellen, umaming nagkulang kay Lloydie

INAMIN ni Ellen Adarna na siguro masasabing may pagkukulang din siya kaya nagka-split silang dalawa ng dating boyfriend at ama ng kanyang anak, na si John Lloyd Cruz. Matapos kasi niyang isilang ang kanilang anak na si Elias, ewan kung bakit dumanas siya ng depression, at dahil doon siguro nga noong mga panahong iyon ay mahirap siyang unawain.

Noon na lang nagkahiwalay na sila at saka siya sumailalim sa isang advice program at ngayon nga ay ayos na ang lahat, kaya nagkakasundo na rin sila sa kanilang co-parenting agreement para sa pangangalaga kay Elias.

Kung ang mga tao naman ang tatanungin, ang kanilang split ay nagbigay daan para si John Lloyd ay magbalik na muli sa show business. Kung hindi nga siguro nangyari ang split, baka gustuhin na lang ni John Lloyd na ituloy ang isang tahimik na pamumuhay sa Cebu.

Kaya para sa fans, ok lang na nagka-split sila.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top