Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Alex at Mikee, ikinasal na noong Nobyembre 2020
Alex at Mikee, ikinasal na noong Nobyembre 2020

Alex at Mikee, ikinasal na noong Nobyembre 2020

TRULILI kayang ikinasal na noong Nobyembre 2020 sina Mikee Mora­da at Alex Gonzaga dahil may suot silang identical ring?

Dapat ay noong Oktubre 2020 ang kasal ng dalawa pero hindi natuloy dahil pareho silang nag-positibo sa Covid19 dahil nawalan ng panglasa ang dalaga at kaagad na siyang nag-self-quarantine sa bahay nila kasama ang magulang.

Binanggit ito ni Alex sa kanyang YouTube  channel na maraming planong nasira dahil sa Covid19 tulad ng hindi pagkakatuloy ng kasal nila ni Mikee, hindi siya nakasama sa launching ng programang Lunch Out Loud sa TV5 at marami pang iba.

Pagkatapos ng dalawang linggo ay umokey na ang mag-sweetheart at ipinakita na rin nila na nagpapa-renovate sila ng bahay nila na regalo ng magulang ni Mikee.

At heto nga sa na-post na larawan nina Mikee at Alex ay nakitang pareho silang may suot na wedding band.

May nag-comment na netizen na, ”November pa sila ikinasal.”

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

 

 

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top