Tuesday , July 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Sports / Bacojo angat sa Roca chess tournament
Bacojo angat sa Roca chess tournament

Bacojo angat sa Roca chess tournament

NANALASA  si  Mark Jay Daños Bacojo ng Dasmarinas City sa katatapos na International Master Petronio Roca Merry Christmas Blitz Masters Chess Tournament nitong December 25, 2020 sa Dasmarinas City, Cavite.

Nakakolekta  si Bacojo ng 10.5 points mula sa 10 wins, one draw at isang talo  para pangunahan ang single-round 3 minutes plus 2 seconds increment over the board chess tournament hosted ni Mrs. Elvira Roca ng Skin Magical Dist4 at CARSIGMA Cavite sa pakikipagtulungan ni Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga Jr. para makopo ang top purse na  P5,000 na  isinanagawa bilang pag-alaala  sa namayapang si dating Social Security System Senior Vice-President Miguel Roca Jr., kapatid ni IM Petronio.

Nakapuwesto   si International Master Chito Garma ng Manila sa second place na may 10 points habang nasa ikatlong puwesto  si Fide Master Roel Abelgas ng Dasmarinas City na may 8 points at fourth placer si Candidate Master Genghis Imperial ng Manila na may 7.5 points. Sina Garma, Abelgas at Imperial.

Si Fide National Arbiter Byron Gabrentina Villar ang tumayong  chief arbiter sa torneyho  habang ang assistant ay si Club Arbiter Daniel Valencia. (MARLON BERNARDINO)

About Marlon Bernardino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top