Tuesday , March 2 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rey “PJ” Abellana, okey lang ang pakikipag-live-in ni Carla kay Tom
Rey “PJ” Abellana, okey lang ang pakikipag-live-in ni Carla kay Tom

Rey “PJ” Abellana, okey lang ang pakikipag-live-in ni Carla kay Tom

HINDI lang pala ang yumaong mahusay na negosyanteng ama ni Ellen Adarna ang nagpapayo sa mga anak nilang babae, o pinapayagan ang mga ito, na makipag-live-in muna ng maraming taon bago tuluyang magpakasal sa live-in partner nila.

Ang aktor na si Rey “PJ” Abellana ay hindi rin tumututol sa nabalitaan n’yang pakikipag-live-in ng anak n’yang si Carla Abellana, sa aktor ding si Tom Rodriguez.

Thirty-four years old na si Carla at 33 naman si Tom. Naging magka-loveteam muna sila sa showbiz (specifically sa Kapuso Network) bago sila naging real-life sweethearts.

Inamin ng mag-sweetheart na nagsimula silang mag-live-in noong pinalaganap ng pamahalaan ang kwarantina para makontrol ang pagkalat ng Covid.

Samantala, ipinahayag ni PJ ang ‘di n’ya pagtutol sa nabalitaan n’yang pakikipag-live-in ng anak noong pumirma ang aktor ng kontrata sa Borrachio Films para sa pelikulang Mamapasano: Now It Can be Told. Nasa cast ng pelikula si PJ, pati na ang nakababatang kapatid n’yang si Jojo Abellana. 

Pahayag ni PJ sa media: “I agree with living together before marriage. I agree with that, kasi, riyan nate-testing… diyan iyong parang trial period or stage ng isang relasyon kung they are really meant for each other.” 

Paliwanag pa n’ya: “Iba iyong makakasama mo sa bahay, eh. Iba iyong ma-encounter mo riyan, ma-realize mo, makikita mo, at lalabas lahat iyong totoong kulay kung nakasama mo sa bahay.

“Pero iyong girlfriend-boyfriend lang na you live separately, kulang na kulang iyan of knowledge and all of that, affection and all of that, na preparation for marriage.”

Dahil ‘di na menor de edad si Carla, ‘di na siya kinailangang humingi ng permiso sa ama o sa inang si Rea Reyes, ang anak ng beteranang aktres na si Delia Razon.

Actually, five years old pa lang si Carla noong maghiwalay ang ama at ina n’ya. Matagal na ring nagkaroon ng ibang partner si PJ na ‘di-taga-showbiz. Ang balita noon ay flight stewardess ang bago nitong partner. Hindi naitanong ng media kay PJ noong kausap nila ito kung anong posibleng naging epekto sa relasyon nila ni Rea kung nag-live-in muna sila nang matagal bago nagpakasal.

Pero inamin ni PJ na matagal na silang walang komunikasyon ni Carla. Actually, sa mga social media posts lang ni Carla nabalitaan ni PJ ang pakikipag-live-in ng anak n’ya.

Pagtatapat nang naging napakasikat na aktor noong 1990s: “Unfortunately, medyo kulang na kulang kami sa communication ng aking anak na si Carla. For sometime I would hear, I would see sa internet o sa YouTube na may sakit siya and all of that, you know.

“I’ve been trying to get in touch with her, but hindi pa namin napapag-usapan talaga.

“But I heard, she’s back working again. She’s back taping. So I supposed na kung nagti-taping na siya uli, I would say siguro na okay naman siguro ang health niya ngayon,” saad ng aktor.

Hinihintay na lang niya na kausapin siya nina Tom at Carla kung kailan na sila magpapakasal. Ibig sabihin ay okey din sa kanya kung magpakasal na ‘yung dalawa.

“Sa edad na lang, eh… they are at the very proper age already. They’re not getting younger anymore, and married life is medyo may timing talaga iyan sa edad ng tao.

“Kasi, the older you settle down, the more risk na makakapag-baby pa kayo, something like that, may mga difficulties na iyan,” sabi pa ng 1980s matinee idol.

Masayang ibinahagi naman ni Carla na magkasama nilang sinuong ni Tom ang nakalipas na siyam na buwang enforced quarantine sa bansa.

Malaking tulong  na hindi siya mag-isa sa bahay dahil bukod sa mas nakilala nila ang isa’t isa, naging magkatuwang sila sa kanilang domestic life.

Tinanong si Carla ng isang showbiz reporter kung paano nila pinapatay ni Tom ang ningas ng tensiyon o hindi pagkakaunawaan sa araw-araw silang magkasama.

Sagot ng aktres: “We give each other time, regardless of whether there’s a pandemic or wala. When things are boiling up already, we give each other time.

“And thankfully with Tom, he is quick enough to come to his senses, reflect on everything, and then if it’s his fault, he apologizes right away.”

Dagdag pa n’ya: “Hindi kasi kami ‘yung type na we let the day go by without resolving an issue. We don’t wanna end the day on a negative note. ‘Ayusin na natin. Let’s talk about it.’

“’Pag medyo napapansin na nagiging heated na ‘yung argument, quiet na lang kami and then we’d give each other time and space.

“So, buti na lang may iba namang kuwarto na puwedeng pagtaguan or something. Doon muna ako sa guest room. ‘Yung mga ganoong bagay.”

Tingin ni Carla, marami ring ibang couples ang makare-relate sa kanila.

Nakapanayam si Carla sa mediacon na dinaluhan ng select entertainment reporters para sa Love Of My Life, ang primetime series ng GMA-7 na magsisimula ang recap sa Lunes, December 27, bago ipalabas ang fresh episodes nito sa January 2021.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

About Danny Vibas

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top