Saturday , April 27 2024

Wilbert Tolentino VLOGS pasabog, mamamahagi ng blessings via Noche Bola Raffle Bonanza sa Dec. 24

HUMAHATAW ngayon bilang YouTuber ang kilalang businessman, former Mr. Gay World, at quarantine online philanthropist na si Wilbert Tolentino.

Isa si Sir Wil sa fastest rising vlogger via his Wilbert Tolentino VLOGS sa Youtube dahil wala pang dalawang buwan, pero umabot na ito ng 283k subscribers. Achievement sa kanya ito bilang baguhan sa nasabing entertainment streaming app.

Enjoy at nakakawala ng stress ang pagiging abala ni Sir Wil sa kanyang YouTube channel. “Pinasok ko ang mundo bilang isang vlogger para bigyan ng kasiyahan at bonggang entertainment ang mga taong dumadaan sa anxiety at depression sa panahon ng pandemya,” bungad niya.

Dagdag pa niya “Bilang isang critical Covid pneumonia severe with acute respiratory distress syndrome survivor, ang aking adhikain sa paggawa ng vlog ay patuloy na pagtulong sa ating mga kababayan tulad ng mga nasalanta ng bagyo at kalamidad. Ganoon din sa iba’t ibang komunidad na nagsa-suffer sa pandemya.”

Kamusta ang experience niya bilang vlogger?

Tugon ni Sir Wil, “Hindi nagkakalayo ito bilang isang co-owner ng tatlo kong entertainment bar (Apollo, Club 690, Farenheit). Dapat maglabas ng kakaibang content. Ang mga magagandang komento na nababasa ko ay nagsisilbing inspirasyon para gumawa pa ako ng marami pang content. Para mabigyan ko ng kasiyahan at libangan ang mga tao.

“Ang adbokasiya ko sa paggawa ng vlog ay para lumawak ang aking network at bumuo ng isang malaking convention para sa mga sikat na influencer sa iba’t ibang social media tulad ng Instagram, Twitter, Youtube, Lyka, Facebook. Para tulungan ang mga negosyanteng naapektuhan sa pandemya,” say pa niya.

May malaki rin siyang pasabog na event kapag bumalik na sa normal ang lahat at may vaccine na. “Magkakaroon ako ng The Philippines Influencer Awards 2021. Ito ay para ma-cater natin ang mga press, media at mga vlogger, kasama ang mga negosyante na naghahanap ng influencers para sa kanilang negosyo,” aniya.

Gumawa rin siya ng music video na Kafreshness ng Pasko na nagsisilbing inspirasyon at ligaya ngayong pandemya. Nagkaroon din ng pagkakaisa at sanib-puwersang aliw sa kanyang vlog dahil sa mga collab niya sa Beks Battalion (Chad Kinis, Richardson de la Cruz, Reginald Lassy Marquez, Mc Muah Calaquian). Ganoon din sa DoLaiNab (Donnalyn Bartolome, Jelai Andres at Zeinab Harake). May collab din siya kay Sachzna Laparan, pati sa Kapuso actress na si Sanya Lopez. May pasabog din siya kasama ang JaMill (Jaysam Manabat, Camille Trinidad).

Dahil generous talaga si Sir Wil, mamamahagi siya ng blessings para sa mga solid kafreshness subscriber.

“Despite of struggles and challenges that we are facing global health issues, bangon tayo mga Filipino! Huwag nating hayaan na lamunin tayo ng lungkot! Spread positive vibes at dapat tayong laging fresh.

“See you on December 24, 2020, 7pm para lang sa exclusive kafreshness subscribers for Noche Bola Raffle Bonanza,” pakli pa ni Sir Wil.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *