Wednesday , May 8 2024

Joel Cruz, iniinda ang sakit ng anak na si Ziv

ANG gusto ng kanyang dakilang inang si Mama Milagros ay dito na lang sila sa Maynila magdiwang ng Pasko.

Una kasing plinano ng Lord of Scents na si Joel Cruz na dalhin sa bakasyonan nila sa Baguio ang buo niyang pamilya.

Pero dahil bumisita rin ang kanyang kaibigang doktor na si Egor Prikhodlo mula sa Russia (St. Petersburg)  na siyang nagbibigay ng stem cell therapy for Joel (for 4 years na), sa ikalawang pagkakataon ng pagbisita nito ay sa Boracay naman siya ipapasyal ni Joel at ng kanyang pamilya.

Nag-enjoy si Doc noong stay niya here last December and I brought him to Coron in Palawan. I usually take my stem therapy doon sa Russia kasi nandoon lahat ng kailangan. This year sana but because of the pandemic, baka next year na. When he arrived, nag-quarantine siya for a day in a hotel. He will leave na on the 29th of December. And on his next visitisasama naman  niya ang asawa at mga anak niya.”

Nag-tender ng Teppanyaki dinner si Joel sa malaking garahe ng kanyang bahay na may swimming pool. Pagkatapos na ma-launch ang kanyang Takoyatea business sa may kanto ng bahay niya, ito namang Japanese restaurant ang sinimulan niya.

Sayang din kasi ang space. Here they can rent the space and have dinner with social distancing and observing health protocols habang nilulutuan sila ng Japanese meals ng aming chef na si August Mejia. Kayo na ang magsabi kung gaano kasarap ang authentic Japanese cuisine we are serving.”

Kasya up to 30 people ang lugar. At kung sakaling umulan, naka-ready ang loob ng bahay na may dining setup. For four hours, ang P1,200 per head na package ay pwedeng umabot hanggang 12:00 ng gabi. Authentic Japanese ingredients that his friend (Bea Pascua) in Japan supplies him with.

Natuwa ang mga panauhin ni Joel nang gabing ‘yun. Pa-birthday para sa isang kaibigan at treat din sa mga kaeskuwela niya sa kolehiyo (sa UST).

“I am happy and thankful na sa panahon ng pandemic, sa halip na nagsara ako ng business ko, nakapagbukas ako ng Takoyatea and now, itong Teppanyaki. Marami pa ring nabigyan ng trabaho at nagpatuloy naman ang mga datihan na. 

As far as Aficionado Perfume is concerned, kahit hindi pa nakakapag-renew ng contracts ang ibang endorsers, tuloy din lang ang royalties sa kanila ng mga produkto. So, maayos naman lahat.”

Nadaragdagan ang mga kumukuha ng franchises ng kanyang Takoyatea. At nagsisimula na rin ang sa Teppanyaki.

They can call me for inquiries about the two business. 09178227825. I can explain to them how to run the business. Alam mo na successful ang business like the Takoyatea kapag nag-repeat order ang mga bumibili. Masarap ang produkto. Mura. Malinis. Mabubusog ka sa sarap.”

Pero sa kabila nga ng pagsasaya nila ng pamilya, lalo na ng mga anak, may kalungkutan ngayong dinarama si Joel.

It’s about Ziv. Though inoobserbahan pa siyang mabuti ng mga doctor. ‘Yun ang sad news. So, dahil napansin namin ‘yung prolonged focus niya sa bright lights, sa turning wheels, may suspetsa ng autism. Though I am discounting that kasi, ‘yung ibang anak ko, na-delay din naman sa pagsasalita nila or paglakad at iba pa. Kaya, ang prayer ko ay ma-correct habang maaga pa kung ano ang kailangang magawa pa. If not, I will leave it all in God’s hands. I have my strong faith in the Lord. If it’s God’s will, I will accept it. So, pray with me about it.”

Hindi na nawawala sa ikot ng buhay ni Joel ang magpatuloy na tumulong sa mga tao.

My way of giving back. Dahil sa rami na rin ng blessings na patuloy na ibinibigay sa akin o sa amin ng aking pamilya ng Panginoon. Kung hihiling ako ngayon, for my family, especially for Ziv. At pagpapasalamat pa rin sa lahat-lahat.”

Positibo ang outlook ni Joel sa papasok na taon. Na maging malaking tulong sa lahat ang pagkakaroon na ng bakuna para sa lahat. Laban sa CoVid19.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

About Pilar Mateo

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Francine Diaz Orange and Lemons

 Francine, Orange and Lemons nagkapaliwanagan nagka-ayos 

MATABILni John Fontanilla NAGKAHARAP na noong Biyernes sina Francine Diaz, Clem Castro ng Orange and Lemons kasama ang kani-kanilang managers …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *