Thursday , September 18 2025
Malacañan CPP NPA NDF

Pagsapi sa CPP hindi krimen (Palasyo aminado)

AMINADO ang Palasyo na hindi krimen ang maging kasapi ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mula noong panahon ng administrasyong Aquino ay na-decriminalize na ang pagsapi sa CPP pero hindi maihihiwalay ang partido sa armadong grupo nitong New People’s Army (NPA) at labag sa batas ang pagsusulong ng armadong pakikibaka para patalsikin ang gobyerno.

“Well, if it may not be a crime but they have consistently been lying. Kasi nga sinasabi nila iyong mga legal fronts nila have nothing to do with the CPP. E ako naman, hello, since the time of Cory, na-decriminalize na nga iyong pagiging member ng CPP. Come out with it and admit, ‘Oo, member kami ng Communist Party of the Philippines’,” ani Roque sa virtual press briefing kahapon.

“But the crime is, the New People’s Army because that is a crime of rebellion, taking up of arms against the government, killing civilians and soldiers. So, ang hirap kasi sa kanila, hindi mo naman kasi mahihiwalay talaga iyong CPP sa NPA kaya nga ang mga statements nila always signed, CPP-NPA. So, iyon po iyong ilegal doon. The fact is, kung ikaw ay member ng CPP, puwede kang maging legal but you have to renounce the use of arms,” dagdag ni Roque.

Hinamon ni Roque ang mga progresibong kongresista mula sa Makabayan bloc na itakwil ang armadong pakikibaka at pagtuunan na lamang ang parliamentary politics.

“E magagaling naman sila sa parliamentary politics, nai-elect naman sila, pinakamarami sila sa partylist groups, bakit hindi pa nila i-renounce iyong use of arms. Iyon lang po ang hinihingi. Pero habang hindi nila inire-renounce at habang sila ay nakikibahagi pa rito sa paggamit ng dahas at sandata laban sa Republika, kriminal po iyan,” giit ng tagapagsalita ng Palasyo.

Kamakalawa, tahasang tinukoy ni Pangulong Duterte ang Makabayan bloc at iba pang progresibong organisasyon bilang mga komunista.

“Pero first and foremost, let’s be honest. Itigil na iyan na nagsisinungaling pa sila na red tagging – e red naman talaga sila sabi ni Presidente. Totoo naman po iyan e. Ang hinihingi lang natin, you can be a red without necessarily endorsing the use of arms,” ani Roque. (ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *