Friday , April 26 2024

CL top cop nagbaba ng ultimatum vs illegal gambling (Nagbabal sa “No Take Policy”)

SA IKA-SIYAM na pagkakataon, inulit ni PRO3 PNP Director P/BGen. Valeriano “Val” de Leon ang kanyang babala sa nasasakupan na huwag suwayin ang “No Take Policy” kontra ilegal na sugal sa rehiyon at tiyak gagamitin niya ang kamaong bakal kung kinakailangan para patawan ng parusa ang mga lumabag.

“Under my watch, I will not tolerate any of my personnel involving in any form of illegal activity. Lalo na sila’y tumanggap ng suhol at makinabang sa ilegal na sugal, o kaya ay gamitin ang pangalan ko sa kanilang mga ilegal na aktibidad, kaagad silang aarestohin,” pahayag ni P/BGen. De Leon.

Dadag niya, pinakilos na ang kanyang mga provincial at city director sa malawakang operasyon laban sa ilegal na sugal at lahat ng uri ng mga gawaing ilegal sa kanilang kinasasakupang lugar upang masugpo ang kriminalidad at mamantina ang kaayusan at kapayapaan ng mamamayan kasabay ng kanilang responde sa CoVid-19. (RAUL SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *