Monday , January 25 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kitkat, Gawad Amerika 2020 awardee
Kitkat, Gawad Amerika 2020 awardee

Kitkat, Gawad Amerika 2020 awardee

TUMANGGAP ng panibagong award ang comedian actress host na si Kitkat, pero this time ay pang-international NA ang beauty niya dahil sa Amerika ang parangal na natanggap nito via Gawad Amerika 2020.

Kaya naman bukod sa sangkaterbang guestings at endorsement nito at regular noontime show sa Net 25, ang Happy Time kasama sina Janno Gibbs at Anjo Yllana ay sunod-sunod din ang parangal na natatanggap.

At ang latest nga ay ang Gawad Amerika  2020 na ginanap last November 21na ginawaran ito ng Most Outstanding Comedian Actress  at Best Noontime Show Host  ng 2020.

At kahit hindi ito natanggap ng personal ni Kitkat dahil sa dami ng kanyang trabaho, nagpapasalamat ito sa bumubuo ng Gawad Amerika 2020.

Post nga nito sa kanyang FB account, “Maraming Maraming Salamat po GAWAD AMERIKA 2020 sa mga parangal na ito! 

“MOST OUTSTANDING COMEDIAN ACTRESS” And “BEST NOONTIME SHOW HOST” 🏻

Magsisilbing inspirasyon ni Kitkat ang parangal na ibinigay sa kanya ng  para mas pagbutihin pa ang trabaho.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top