Tuesday , January 19 2021
Breaking News
You are here: Home / News / Liderato ng Kamara tahimik sa ‘silent war’
Liderato ng Kamara tahimik sa ‘silent war’

Liderato ng Kamara tahimik sa ‘silent war’

TILA may silent war sa loob ng House of Representatives sa pagitan mismo ng mga kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco matapos maiulat nagkapikonan ang ilang mambabatas na kinuwestiyon ang pagkakatalaga kay Davao Rep. Paolo Duterte bilang Chair­man ng House Committee on Accounts, isa sa maka­pangyarihang posisyon sa Kamara.

Tahimik ang House Leadership sa isyu pero isang viber message ni Duterte ang kumalat na nagsasabing didistan­sya siya sa House Majority resulta ng pagkuwestiyon sa kanyang loyalty.

Nag-ugat ang silent war nang kuwestiyonin umano ni AAMBIS-OWA Partylist Rep Sharon Garin na kilalang supporter ni Velasco ang posisyong ibinigay kay Duterte.

Sa lumabas na report, nagkaroon ng gathering ang mga Velasco supporters sa Rizal Park Hotel noong 10 Nobyembre matapos ang naging oathtaking ni Velasco kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa gitna ng hapunan ay nagbiro umano si Garin kay Duterte na “hindi ka naman bumoto kay Velasco pero nagkaroon ka ng pwesto.”

Hindi nagustohan ni Duterte ang biro hanggang nagkaroon ng komosyon at humantong sa awatan. Si Maguinda­nao Rep. Toto Mangu­dadatu ang sinasabing isa umawat kina Garin at Duterte.

Matapos ang insidente, isang viber message ang ipinadala ni Duterte sa Viber group ng mga kongresista pasado 2:00 am noong 11 Nobyembre, nakasaad sa mensahe ang paghingi ng paumahin sa nangyari.

“Maraming salamat po sa opportunity, trabaho lang po walang personalan. Sorry to say but I have to distance myself na po pati sa ruling majority ng HOR, ‘pinahiya at na-question na po loyalty ko. Sa bunganga po ni Cong. Mangudadatu at Congw. Sharon Garin mababalitaan n’yo po ‘yan mamaya agad. So. pinili ko na po, to properly, habang may mukha pa akong maihaharap sa inyo, wait and see na lang po sa Monday,” nakasaad sa mensahe ni Duterte.

Matatandaan na si Duterte ay hindi bumoto kay Velasco nang magkaroon ng speakership row, sa katuwiran na parehas niyang malapit na kaibigan sina Velasco at dating House Speaker Alan Peter Cayetano, gayonman ay nabigyan siya ng puwesto habang umaalma ang mga bumoto kay Velasco gaya ni Garin na walang nakuhang posisyon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top