Wednesday , January 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Boy Abunda patuloy na pinagkakatiwalaan ng malalaking kompanya para maging endorser (Social Media influencer na rin)
Boy Abunda patuloy na pinagkakatiwalaan ng malalaking kompanya para maging endorser (Social Media influencer na rin)

Boy Abunda patuloy na pinagkakatiwalaan ng malalaking kompanya para maging endorser (Social Media influencer na rin)

AFTER the closure of ABS-CBN na ngayon ay napapanood na ang ilang show sa A2Z Channel 11

ay there’s life for our “King of Talk” Boy Abunda.

Yes bukod sa kinagat sa kanyang mga top rating shows sa Kapamilya network gaya ng The Buzz at Tonight With Boy Abunda at ‘yung show na pinagsamahan nila noon ni Kris Aquino na Showbiz News, ngayon ay social media influencer na rin si Kuya Boy. Paangat nang paangat ang bilang ng subscribers sa kanyang “The Boy Abunda Talk Channel” sa YouTube na one of his episodes sa BA’s Walk & Talk ay almost half million na.

Mabilis na naging in-demand si Kuya Boy sa social media na bukod sa kanyang sariling YT network

ay mapapanood rin siya sa Kumu at maririnig sa Podcast Network Asia. Number one ngayon sa Spotify at Apple Podcast ang kanyang show na “Who Are You, When No One’s Watching.”

Kaya naman pagdating sa endorsements ay kaliwa’t kanan pa rin ang mga produktong iniendoso ng nasabing sikat na TV Personality. Nariyan ang matagal nang ini-endorse na La Carmela de Boracay ng

longtime friend na si Mr. Boy So, Pilipinas ESETGO Corp., AMA Online Education, Frontrow, Boy Bondat,

Manila Bankers Life, GAOC ni Dr. Steve Mark Gan, etc. Patuloy rin si Kuya Boy sa pagtulong sa kanyang Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation katuwang si Mr. Boy So sa mga kapatid nating bakwit na nasalanta ng bagyong Rolly at Ulysses. Namigay rin ng relief goods sa Marikina ang MYNP kasama ang Kabataan Sa Kartilya ng Katipunan (KKK).

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top