Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Post ni Markus na picture nila ni Janella, pinag-usapan
Post ni Markus na picture nila ni Janella, pinag-usapan

Post ni Markus na picture nila ni Janella, pinag-usapan

MULA sa UK, muling nag-post sa kanyang social media account si Markus Paterson ng isang picture na kasama niya si Janella Salvador. Talagang inaamin naman nila na magkasama silang dalawa sa UK, at kasama rin doon ang pamilya ni Janella. Ang hindi lang naman nila inaamin ay iyong nababalitang buntis si Janella at nanganak na noong nakaraang buwan sa UK.

Pero sa bagong picture na nakita namin, hindi naman buntis si Janella. “O baka naman hindi na buntis dahil nakapanganak na nga,” sabi naman ng isang kritiko.

Hindi natin alam dahil wala pa namang nakakikita kung may anak na nga sina Janella at Markus o wala. Pagdating ng araw at saka na lang natin malalaman kung ano ang totoo.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top