Monday , November 30 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dovie Red, mas gustong sina Kervin at Kenneth o kilalang Sawyer Brothers
Dovie Red, mas gustong sina Kervin at Kenneth o kilalang Sawyer Brothers

Dovie Red, mas gustong sina Kervin at Kenneth o kilalang Sawyer Brothers

Napatunayan ni Dovie Red, sa mga panahong may ups and downs siya sa buhay, nariyan lagi ang suporta sa

kanya ng isa sa Sawyer Brothers na si Kervin Sawyer. Hindi lang niya idolong singer kundi talagang kaibigan at loyal sa kanya.

Maging ang Mother ni Kervin at Kenneth na si Mrs. Evelyn ay pamilya rin ang turing kay Dovie na madalas rin mag-like at mag-comment sa mga post ni

Dovie at lagi siyang may payo rito na huwag pansinin ang kanyang bashers. Dapat umanong maging matatag

ang controversial social media personality sa hinaharap niyang pagsubok lalo sa kanyang love life na madalas ay niloloko lang siya ng guy na nasa showbiz.

Kaya naman bilang pasasalamat sa Sawyer Brothers ay hindi raw titigil si Dovie sa kanyang support sa kanila at plano niyang kunin sina Kervin at Kenneth sa gagawing movie at concert.

Well may nagawa nang movies ang magkapatid at pareho silang marunong umarte. Masipag rin pala si Dovie sa pagpo-promote ng mga kanta ng Sawyer Brothers tulad ng “45” at “Ghosting.”

Wish rin ng BFF naming personality na sana

ay mapansin raw sina Kenneth ng big recording company at mabigyan ng break para sumikat sa mainstream.

Pero bilib si Dovie sa diskarte ni Kervin sa singing career nila ni Kenneth na kahit na walang financer ay nakapagpo-produce ng kanilang mga single, at naipo-promote nila sa radyo at TV.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top