Friday , May 14 2021
Breaking News
You are here: Home / Sports / Travis Cu namayani sa 92nd BCA Kiddies chess tourney
Travis Cu namayani sa 92nd BCA Kiddies chess tourney

Travis Cu namayani sa 92nd BCA Kiddies chess tourney

PINAGHARIAN ni Philippine chess wizard Ivan Travis Cu ng San Juan City ang katatapos na 92nd Brainy Chess Academy-BCA Kiddies Under 13 category na ginanap sa lichess.org nitong Huwebes.

Ang 11-year-old Cu na grade six pupil ng Xavier School sa pangangalaga  ni coach Rolly Yutuc ay nakakolekta ng six points mula six wins at one loss para magkampeon sa seven-round tournament na ipinatupad ang seven minutes plus two seconds increment time control format.

Nailista ni Cu ang panalo kontra kina Hashsya Nawwaarah binti Mohd Faris ng Malaysia sa first round, Dwight De Guzman ng Mandaluyong City sa second round, Hans Lee Villorente ng Pandan, Antique sa fourth round, Gabriel Ryan Paradero ng Manila sa fifth round, Cassey Miguel Tabamo ng El Salvador City, Misamis Oriental sa sixth round at Kate Nicole Ordizo ng Alaminos, Pangasinan sa seventh at final round.

Natalo si Cu kay Joemel Narzabal ng Dipolog City, Zamboanga del Norte sa third round.

-Marlon Bernardino-

About Marlon Bernardino

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top