Friday , April 26 2024

Jericho maghapong lubog sa baha, leptospirosis, dineadma

TIGILAN na muna natin iyang mga nakaka-stress na pangyayari at problema ng bagyo, tutal naman eh ano pa nga ba ang magagawa natin? Sa ayaw at sa gusto naman natin ay may susunod pang bagyo, na hindi naman natin mapipigil, kaya tingnan naman natin ang good side.

Muling nagpakita ng kagandahang loob si Jericho Rosales, at sa pagkakataong ito ay kasama pa ang kanyang asawang si Kim Jones nang makisama sila sa mga rescuer na nagliligtas ng mga biktima ng baha sa kanilang village sa Marikina. Talagang kulang ang mga rescuer sa dami ng kailangang tulungan. Maski nga ang mayor ng Marikina ay nagsabing hindi makakaya iyon ng LGU at nanawagan na sa pribadong sector para tumulong.

Si Jericho at ang misis niya, gamit ang kanilang surfboards, ay umikot at hinanap ang mga biktima ng baha. Pero sabi nga niya, marami sa mga biktima ay takot na mabasa ng tubig baha dahil sa banta ng leptospirosis, kaya sa halip na sila ang sumagip, sila ang gumawa ng survey para malaman ng rescue team kung saan sila pupunta para mapabilis pa ang pagsagip sa mga biktima. Isa pa, nabibigyan ng priority kung nasaan ang mga senior citizen at ang mga bata.

Happy naman si Jericho habang ikinukuwento niya ang ginawa niya sa maghapong iyon, nakalubog siya sa baha at hindi alintana ang peligro ng leptospirosis, makatulong lang sa kanyang kapwa. Sabi nga ni Jericho, sanay na siya sa ganoon. Ginagawa niya iyon sa tuwing magkakaroon ng malaking baha. Gusto lamang niyang makatulong sa mga kapitbahay niya.

Pero iyong ginagawang iyan ni Jericho ay hindi basta pagtulong lamang. Matatawag na nga iyong isang “kabayanihan,” dahil ginagampanan niya ang tungkuling hindi naman sa kanya, pero para sa ikabubuti ng kanyang kapwa. Matindi iyan, lalo na’t kung iisiping wala namang ambisyong kumandidato si Jericho.

HATAWAN
ni Ed de Leon

About Ed de Leon

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *