Saturday , January 23 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ex-PBB housemates, nagsama-sama para sa Bagyong Rolly
Ex-PBB housemates, nagsama-sama para sa Bagyong Rolly

Ex-PBB housemates, nagsama-sama para sa Bagyong Rolly

MULING nagsama-sama ang hosts at ex-housemates ng Pinoy Big Brother sa pangunguna nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, at Robi Domingo kasama ng dating Big Winners na sina Nene Tamayo, Kim Chiu, Melai Cantiveros, at Maymay Entrata para tanggapin ang hamon ni Kuya na tumulong sa mga nasalanta ng bagyong Rolly.

Isang virtual reunion ang PBB Kumunect sa Pagtulong, isang espesyal na livestream event sa Kumu, na nagkuwento, nagtanghal, at nanawagan ang ex-housemates sa publiko na magmalasakit sa kapwa.

Ayon sa Season 1 Big Winner na si Nene, ”kailangang dapat laging bukas ang puso at mga palad na tumulong sa mga kababayan.

“Importante na palagi tayong maging parte ng solusyon at maging dahilan tayo na maniwala ang mga tao na mayroon pang kabutihan sa mundo,” ani Nene. 

Ipinaalala naman nina Kim, Melai, Maymay, Bianca, at Robi na mahalaga ang pagdarasal para malagpasan ang mga hamon ng buhay.

Samantala, ang tubong Albay na si Barbie Imperial, isa sa cast ng programang Bagong Umaga ay umapila sa viewers na magbahagi ng tulong para unti-unting makapagsimula ang kanyang mga kababayan.

Aniya, wala siyang balita sa kanyang naiwang mga kamag-anak sa Bicol sa loob ng tatlong araw dahil sa kawalan ng signal.

Ipinagdasal naman ni PBB Connect host Toni ang lahat ng nasalanta na sana ay makabangon sila sa matinding unos.

Bumuhos din ang mga mensahe ng pag-asa at tulong pinansiyal mula sa iba pang ex-housemates na ipaaabot nila sa ABS-CBN Foundation. May iba namang ex-housemates na naghatid ng saya at inspirasyon sa kanilang song and dance numbers. May Kumuzens din na nagbahagi ng mga mensahe para lumakas ang loob ng mga apektado ng bagyo na makaahon sa buhay.

Sinimulan na ng ABS-CBN at ng Kumu ang pagbibigay pag-asa at pagpapatibay koneksiyon ng mga Filipino ngayong panahon ng pandemya sa pamamagitan ng PBB Kumunect sa Pagtulong na naging host si Bianca kasama sina Sky Quizon at Kiara Takahashi. 

Subaybayan ang mga paparating na ganap sa loob ng bahay ni Kuya sa Kumu, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, ABS-CBN Entertainment Channel, at sa mga opisyal na social media account ng PBB.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top