Wednesday , January 27 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Cast ng The Lost Recipe, puspusang ang training
Cast ng The Lost Recipe, puspusang ang training

Cast ng The Lost Recipe, puspusang ang training

PUSPUSAN na ang paghahanda ng cast ng upcoming fantasy-romance series ng GMA News TV na The Lost Recipe para sa kanilang nalalapit na lock-in taping.

Nitong November 8 ay nagsama-sama at nag-bonding ang ilang cast ng The Lost Recipe na sina Thea Tolentino, Paul Salas, Prince Clemente kasama si Chef Anton Amoncio.

Ang Food Hero Asia 2016 winner na si Chef Anton ang nagsisilbing consultant para sa naturang series at isa rin sa kanilang co-actors.

Sa Sunday bonding ng cast ay nagkaroon sila ng kitchen tour para roon sila mag-taping para. Sumabak din sila sa iba’t ibang cooking process at nag-observe sa location para paghandaan ang kanilang mga eksena.

Bago ang kanilang kitchen tour ay nagkaroon na rin ng kitchen training ang cast kasama sina Kelvin Miranda, Mikee Quintos, Phytos Ramirez, Faye Lorenzo, at Crystal Paras.

Abangan ang naiibang kuwento ng The Lost Recipe soon sa GMA News TV.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top