Thursday , August 5 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mga programa sa GMA News TV, balik-regular programming na
Mga programa sa GMA News TV, balik-regular programming na

Mga programa sa GMA News TV, balik-regular programming na

BALIK-REGULAR programming na ang ilang programa sa GMA News TV simula ngayong linggo.

Fresh episodes na ang handog ng Good News ni Vicky Morales tuwing Lunes. Bagong episode din ng food trip ang hatid ni Kara David sa PinaSarap sa Martes.

Pagkakakitaan naman ang handog ni Susan Enriquez sa kanyang Pera Paraan sa Miyerkoles,  sa Huwebes, pilot telecast ng programang ihu-host ni Gabbi Garcia, ang IRL (In Real Life), at sa Biyernes, bagong biyahe sa new normal ang handog ni Drew Arellano sa kanyang Biyahe ni Drew!

Hindi hadlang ang Covid-19 ngayong pandemya upang matigil ang makabuluhang programa sa GMA News TV.

I-FLEX
ni Jun Nardo

About Jun Nardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top