Friday , May 7 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sean de Guzman, napagkamalang tunay na anak ni Allan Paule
Sean de Guzman, napagkamalang tunay na anak ni Allan Paule

Sean de Guzman, napagkamalang tunay na anak ni Allan Paule

MASUWERTE ang baguhang si Sean de Guzman, bida sa pelikulang, Anak ng Macho Dancer na ididirehe ni Joel Lamangan dahil makakasama niya ang mga bigating artista noong araw na sina Rosanna RocesJay ManaloJaclyn Jose, at Allan Paule.

 

Si Allan ang nagbida sa Macho Dancer kaya siya ang gaganap na ama ni Sean. Marami ang nakapansin na malaki ang hawig ni Sean kay Allan kaya marami ang nagtatanong kung tunay bang anak ng actor si Sean.

 

Ang nakaiintriga pa, De Guzman din ang tunay na apelyido ni Allan.

 

Kung tutuusin, second choice lang si Sean dahil may nauna ng napili si Joed Serrano, ang producer ng Anak ng Macho Dancer, si Miko Samonte na naunang nag-audition para sa pelikulang ito.

 

Subalit sa pagsasayaw ni Sean na animo’y isang ahas at ganoon nalamang kalambot ang katawan, marami ang napabilib.

 

Twenty years old pa lang si Sean at may talent sa pagkanta at pagsayaw at kitang-kita ang kainosentahan sa batang ito kaya tamang siya ang maging bida sa Anak ng Macho Dancer.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top