Friday , September 12 2025

PPP4, extended ng Dec. 13: Screenings at Events, nadagdagan

EXCITED na ibinalita ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Dino-Seguerra via Zoom conference na extended ang Pista ng Pelikulang Pilipino 4 festival na mula 16 araw ay magiging 44 na araw na. Kaya naman magaganap na ang PPP4 simula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

Ito ay bilang pagtugon sa hiling ng marami na habaan ang PPP at dahil nadagdagan din ang line-up na mayroong 170 pelikula at para mapaunlakan ang final fine-tuning ng ibang pelikula sa PPP Premium Selection section.

Dahil din dito, mas maraming mapapanood ang subscribers dahil may idaragdag na pelikula sa peak hours at weekends, at matututo rin sila tungkol sa filmmaking at Pelikulang Pilipino mula sa industry experts sa pamamagitan ng events gaya ng talkback sessions, panel sessions, at masterclasses.

Ang online PPP ngayong taon ay magkakaroon ng mixed format sa FDCP Channel platform (fdcpchannel.ph). Ang libreng video-on-demand (VOD) streaming ay para sa 80 short films at para sa isang full-length feature: ang restored version ng Anak Dalita” ni National Artist for Theater and Film Lamberto V. Avellana. Ang libreng VOD streaming ay available mula Oktubre 31 hanggang Disyembre 13.

Ang iba namang full-length features ay magkakaroon ng scheduled livestream screenings sa apat na virtual cinemas (na pinagalanan sa Cinematheque Centres ng FDCP). Hindi lalagpas sa anim na screenings sa bawat pelikula ang napagkasunduan ng producers at FDCP para ma-minimize ang exposure sa piracy. Ang paid scheduled screenings ay mula Nobyembre 20 hanggang Disyembre 13.

“We are listening to our subscribers, producers, and the rest of our stakeholders in order to make the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino a more inclusive solidarity event. Aside from announcing the PPP4’s extended duration, we are also pushing forth the ‘Sama All’ spirit by offering a wide array of events to further promote Philippine Cinema, encourage more viewers to learn about the art of filmmaking, and boost the thriving PPP community,” ani Diño.

Ang PPP, na sinimulan noong 2017, ay mula sa FDCP at powered ng FDCP Channel. Ang PPP4 ay in partnership sa Cocolife at supported ng Glimsol Web & Digital Solutions, Team On Ground, at Dragonpay, ang official payment gateway partner ng PPP4. Ang Media Partners ay The Manila Times at CNN Philippines.

Maricris V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Hataw Tabloid

Check Also

Will Ashley Bianca De Vera Dustin Yu Love You So Bad

Will Ashley ‘di mapigil ang pagsikat 

MATABILni John Fontanilla HINDI na talaga maaawat ang pagsikat ng Kapuso teen actor at tinaguriang …

Arjo Atayde Sylvia Sanchez

Sylvia, Arjo dinidikdik

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TILA mas lalo namang naglalabasan ang mga photo and video ng …

Heart Evangelista

Heart nanahimik, posting ng trips, bags alahas, damit, sapatos binawasan

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NANG dahil nga sa pagkakatsugi ni Sen. Chiz Escudero bilang Senate President, hindi na rin …

JInggoy Estrada

Jinggoy umalma, sasampahan nagparatang tumanggap ng kickback

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman si Sen. Jinggoy Estrada sa pagsasabing siya nga ang higit na …

Amor Lapus

Amor Lapus, idol na sexy actress si Rosanna Roces

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGBABALIK sa mundo ng showbiz ang sexy actress na si …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *