Friday , November 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / BLIND ITEM: Poging actor, alagang-alaga ni rich gay

BLIND ITEM: Poging actor, alagang-alaga ni rich gay

Ang pogi-pogi naman kasi ngayon ni male star eh, magaling ding umarte at sexy kung magsayaw. Talagang iyan ang aambisyoning maging syota ng kahit na sinong babae, at “feeling babae.”

Isang rich gay pala ang nag-aalaga sa poging-poging male star sa ngayon, kahit na aminado siyang may girlfriend siya. After all, sabi nga raw ng gay lover, “mahirap kang humanap ng lalaking ganyan ka-pogi at mabait pa.”

Kaya naman daw lahat ng kailangan ng poging male star, ibinibigay talaga ng gay lover, at ang poging male star naman daw, hindi mapagsamantala sa mga hinihingi niya sa love niya kahit alam niyang baliw na baliw iyon sa kanya. Ang sinasabi lang daw ni pogi, “ibinibigay naman niya sa akin iyong kailangan ko at hindi siya nakikialam kahit na may girlfriend ako. Sa akin tama na iyon.”

Mas mabait pala siya sa utol niyang “piniga” nang husto ang gay lover niyon bago nag-asawa at nagsimula ng panibagong buhay.

Ed de Leon

 

About Hataw Tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top