Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Sports / Ibang manlalaro ng Clippers asar kay Leonard
Ibang manlalaro ng Clippers asar kay Leonard

Ibang manlalaro ng Clippers asar kay Leonard

KALAT na sa social media  ang pagkainis  ng ibang Los Angeles Clippers’ players sa kanilang star player na si Kawhi Leonard.

Masyadong binibigyan ng importansya ng LAC management si Leonard kaya naman nag-aastang superstar sa kanilang team.

May special treatment si two-time NBA finals Most Valuable Player (MVP) Leonard kaya banas sa kanya sina Patrick Beverly, Montrezl Harrell at Lou Williams.

“Players like Patrick Beverley, Montrezl Harrell and Lou Williams—Clippers bedrocks before the arrival of Leonard and George—bristled when Leonard was permitted to take games off to manage his body and to live in San Diego,” post ng NBA central.

Minsan kahit sa practice ay pa-importante si Leonard kaya hindi nakukompleto ang kanilang lineup.

Nalaglag ang Clippers sa seminals ng Western Conference matapos yumuko sa Denver Nuggets sa do-or-die Game 7.

ni ARABELA PRINCESS DAWA

About Arabela Princess Dawa

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top