Saturday , November 28 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Netizens, nawindang sa post ni Kris
Netizens, nawindang sa post ni Kris

Netizens, nawindang sa post ni Kris

PAHULAAN sa media at followers ni Kris Aquino kung ano ang matinding dahilan kung bakit ang ganda ng mga ngiti niya nitong mga nagdaang araw at kung para saan ang bago niyang pictorial na ipinost niya sa kanyang Instagram nitong Sabado.

May mga nagsabing may bagong show si Kris kaya ang saya-saya niya at alam din naman ng lahat na first love talaga nito ang hosting.

Ang caption ni Kris sa mga bagong larawang ipinost ay, “I believe I’m still here because of my authenticity- sometimes it got me into trouble, but with me, you’ve always known that what you see is exactly what you’ll get.

“For most of my life, i’ve shared with you, the highest of my highs, and the absolute lowest of my lows- until this pandemic- when a part of me needed to shut down to get reacquainted with & strengthen the REAL me.

“Mahirap i-fake na happy ka kung nabasag naman ang puso mo. Nakakahiya naman magbahagi ng sama ng loob pag alam mo na marami ang di hamak mas mabigat ang mga pinagdadaanan. Kaya nanahimik muna ako nag promise sa sarili, babalik pag SURE na genuine ang ngiting ipapakita sa inyo.

“LOVE comes in many forms, and in many ways during what the world continues to experience, like me, I’m sure maraming beses n’yo ring inisip kung ano talaga ang nagbibigay sigla sa buhay ninyo, kung ano at sino ang may mahalagang pwesto sa puso ninyo. AND what is unexpected, what comes as a SURPRISE- well it can really make you believe that what’s meant to be shall always find a way.

“Pareho naman tayo, we’ve all had our share of heartbreaks & heartaches- but I still have faith, we all deserve to LOVE & BE LOVED.

“In just a few more days, you’ll get to meet my NOW & FOREVER. #KrisinLoveLoveLove.”

 

Ang daming nag-aabang nga sa muling pagbabalik ni Kris sa telebisyon na umabot sa halos 233k likes and views.

 

Isa si Darla Sauler na nakatrabaho ni Kris sa mga programa niya sa ABS-CBN ang nag-like at nagsabing, “So happy to see that “smile” again. Sa lahat ng nangyari – na mas na-exclamate pa ng pandemic, lahat tayo na-realize kung ano talaga ang mahalaga sa mundo. At ‘yun ang panghahawakan natin ng mas may pagmamahal at pag-aalaga. Love you!”

 

@darla we’ll always love you,” sagot ni Kris.

 

Anyway, duda namin ay hindi ang pagbabalik sa telebisyon ang nagpapasaya ngayon kay Kris kundi ang isang product endorsement na malapit na niyang i-reveal tulad nga ng nakaraang bouquet of flowers na natanggap niya kamakailan na may nakalagay na, “welcome to the family.”

 

Umaandar na ang webisode ni Kris at makakasama niya sina Angel Locsin at Dimples Romana, hmm kasama kaya ang dalawang aktres sa bagong produktong ieendoso niya?

 

At kung anuman ito ay tama lang talaga na i-welcome ninyo si Kris sa pamilya ninyo dahil naniniwala kaming mas lalo itong tatangkilikin.

 

Ano nga kayang produktor ito, Ateng Maricris?

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top