Friday , April 26 2024

Pia, sa kapatid na si Sarah — ang baho ng ugali mo!

“THIS is a family matter so we respect their privacy. We pray for a peaceful reconciliation and healing for all concerned. Thank you,” ito ang pahayag ng business manager ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach na si Rikka Infantado-Fernandez nang hingan namin ng statement ang dalaga tungkol sa mga post ng nakababata nitong kapatid na si Sarah Wurtzbach-Manze na kasalukuyang nakatira sa London, United Kingdom.

 

Si Sarah ang dinalaw ni Pia noong Hulyo 2020 sa UK pagkatapos ng total lockdown dahil sa Covid-19 pandemic at nang magkaroon na rin ng biyahe palabas ng Pilipinas.

 

Base sa mga post ng dating beauty queen ay super close silang magkapatid at sa katunayan, mahal na mahal nito ang anak ng kapatid na si Lara na limang taong gulang na ngayon at masasabing lucky charm ni Pia dahil siya ang napiling representative ng Pilipinas sa 2015 Miss Universe at nanalo nga.

 

Post nga niya sa kanyang IG account kasama ang napakagandang pamangkin, “I really think Lara is my lucky charm in life. Kuwento ko lang but back in 2014 when Sarah was pregnant with Lara, I flew to the UK over the Christmas period to wait for Sarah to give birth.

 

“Pero wala hintay ako ng hintay. Nag New Year na, di pa rin sya (Lara) lumalabas! I really wanted to wait and be there for when it happens but my sister said ‘Sige na, umuwi ka na. Malapit na mag screening sa Binibini,’ so I left and flew back to Manila. The day I became an official candidate for 2015, Lara was born tapos nagsunod-sunod na ‘yung swerte ko for that year and moving forward.

“She’s growing so fast at nakakatuwang makita na sobrang generous nya sa friends nya, lagi syang nag sha-share kahit ng pagkain hehe at mahilig syang kumanta at sumayaw! (With feelings!) Kaya naman naisip ni Sarah (kapatid) na i-share itong sweet and fun moments sa inyo. I love watching these videos lalo na pag naho-home sick ako or nabu-burn out sa trabaho. Link in my stories. Enjoy!!”

 

Going back to Pia and Sarah, laking gulat ng publiko ang sunod-sunod na post ng huli sa kanyang IG story na sinabihan niyang, ‘ang baho ng ugali mo!’ idinamay din ang nanay nilang si Gng Chery Alonzo – Tyndall na sinabing, ‘magsama kayo ni mama.’

 

Sa kasalukuyan ay nananahimik si Pia at walang planong magsalita, base sa pahayag ni Rikka.

 

Ayon naman sa nakausap naming kaibigan ni Pia, “Siyempre malungkot. Aayusin nila ‘yan as a family. ‘Di kami nagkukulang sa pag-alalay kay Pia. Pero mahirap din makialam kasi pamilya ‘yan.”

 

Itinanggi rin ng kaibigan ng dalaga na hindi niya tinutulungan si Sarah kapag humihingi ng tulong pinansiyal.

 

 “Jusko, sa tingin mo ba may pagkukulang si Pia sa kanya? Sobra-sobra pa nga, ‘di lang financial!” sambit sa amin.

 

Walang pagkukulang si Pia kay Sarah lalo na sa pamangkin nitong si Lara at sa magulang nila.

 

Ikinatwiran din sa amin na hindi naman naiiwasan ang tampuhan o bangayan ng pamilya, nataon lang na inilabas ito sa social media at kilala sa buong mundo si Pia bilang Miss Universe 2015.

 

Patungong UK ngayong gabi si Pia para sa endorsements shoot.

 

 “Balik UK renew lahat ng brands n’ya and Global Ambassador na siya ng sikat na clothing brand,” say ng kaibigan ni Pia.

 

At dahil nasa UK ang shoot at doon din nakatira si Sarah kaya posibleng magkita ang magkapatid at ayusin ang anumang gusot nilang dalawa.

 

Good thing na super-okay ang relasyon nina Pia at boyfriend nitong si Jeremy Jauncey kaya may support system na nakukuha ang dalaga bukod sa nanay niya at mga kaibigan.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *